Tetchie kinuhang partner ni Stallone sa Rambo pero umayaw

Tetchie kinuhang partner ni Sylvester Stallone sa ‘Rambo’ pero umayaw

Ervin Santiago - June 17, 2024 - 08:10 AM

Tetchie kinuhang partner ni Sylvester Stallone sa 'Rambo' pero umayaw

Tetchie Agbayani at Sylvester Stallone

NAKAPASA si Tetchie Agbayani bilang leading lady ni Sylvester Stallone sa pelikulang “Rambo” pero bigla niya itong tinanggihan.

In fairness, isa si Tetchie sa iilang Filipino actor noon na nabigyan ng chance na makagawa ng mga pelikula sa Hollywood.

Kabilang na riyan ang international movie na “Money Pit” na ipinalas noong 1986 na pinagbidahan ng Hollywood superstar na si Tom Hanks.

Sa panayam ng broadcast journalist na si Julius Babao kay Tetchie, marami siyang pasabog na rebelasyon kabilang na riyan ang rason kung bakit tinanggihan niyang mapasama sa isang inatallment ng “Rambo” movies ni Stallone.

Baka Bet Mo: Bayani Agbayani trending dahil sa dasal, bagong patutsada nga ba kay Vice Ganda?

Kuwento ng veteran actress, nagdesisyon siyang umalis ng Pilipinas noong early 80s matapos makilala at mapansin sa buong mundo nang maging cover ng Playboy magazine (Germany)  July 1982 edition.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tetchie Agbayani (@tetchie.agbayani)


Grabe ang ginawang ingay ng pagiging Playboy cover girl ni Tetchie noong panahong yun, talagang pinagkaguluhan at pinagpiyestahan ang gjnawa niyang pictorial sa naturang men’s magazine.

Ayaw ni Tetchie ng sobrang atensiyon kaya lumipad siya patungong Los Angeles, California, sa Amerika para mamuhay nang normal at malayo sa limelight.

That time raw ay meron lang siyang $5,000, “Lahat ng ari-arian ko binenta ko. Lahat ng kotse ko, sports car ko, binenta ko.”

Tulad ng mga ordinaryong Pinoy sa US, struggle ang paghahanap ni Tetchie ng trabaho roon. Nag-apply siya bilang waitress at salesgirl pero walang tumatanggap sa kanya dahil sa kakulangan ng mga reference.

Hanggang sa tulungan siya ng isang kaibigan na makilala ang isang agent mula sa William Morris Agency (WMA), si J.J. Harris.

Unang sabak niya sa audition para sa role na tribal native sa pelikulang “The Emerald Forest” (1985) na pinagbidahan ni Charles Boorman ay natanggap agad siya.

Nag-shoot sila sa Amazon Jungle sa Brazil at dito ay game na game na naghubad ang aktres. Inabot daw ng apat na buwan ang kanilang shooting doon. “That was the longest movie I’ve ever done,” ani Tetchie.

Baka Bet Mo: Joseph Marco sinagip ang pusang may sakit na pagala-gala sa kalye, agad na dinala sa vet: ‘Prayers for Sylvester’

Pagkatapos nito ay nakapasa rin si Tetchie sa audition bilang leading lady ng Olympian na si Kurt Thomas para sa pelikulang “Gymkata” (1985). At nasundan pa ito ng pelikulang “Money Pit” (1986) starring Tom Hanks.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sly Stallone (@officialslystallone)


“I played the role of the stepmother of Tom Hanks,” chika pa ng aktres.

After this movie, nag-audition nga siya sa pelikula ni Sylvester Stallone, ang sequel ng “Rambo”. Ayon sa agent ng aktres, sa Pilipinas daw ang shooting ng pelikula kaya mabilis siyang pumayag.

“So, yun, nag-audition ako. I auditioned once and then later on pinabalik ako… second audition, same role. Sa audition, nandoon si Sylvester Stallone. Nandoon siya, may camera na moving camera,” pag-alala ni Tetchie.

Bukod sa kanya, may isa pang babae na natira sa last call, ang Hawaiian actress na si Julia Nickson. Siya raw ang unang sumalang sa audition at nakaeksena niya si Stallone.

“Pero mas mababa siya sa akin. Hindi siya katangkaran. Mas matangkad ako sa kanya,” aniya sabay sabing walang masyadong dating sa kanya ang Hollywood actor.

“So, parang wala, pangkaraniwan lang. Hindi naman siya maere. Simple lang naman siya. ‘Hi, hello. Pleased to meet you,’ and then eksena na. And nu’ng natapos, ‘Thank you.’ Exit. Ganu’n lang,” kuwento ni Tetchie.

“And then I got a call from J.J. Harris. Sabi ni J.J., ‘Tetchie, you got the part. Be ready to fly to Mexico,’” sey ni Tetchie. Nagulat daw siya, “’Wait a minute,’ sabi ko. ‘I thought they were shooting in the Philippines?’”

Nagkaroon daw ng problema sa logistics ang production sa Pilipinas kaya sa Mexico na raw ang shooting. Sey ni Tetchie, “’J.J., I just came back from the jungles of the Amazon, the jungles of Brazil.’

“Sabi ko, ‘I wouldn’t mind going to the jungles of the Philippines, but Mexico?’ Sabi ko, ‘No, I don’t think I’d like to accept it.’ So, the role went to Julia Nickson,” aniya.

Pinagsisisihan ba niya ang naging desisyon niya? Dahil kung tinanggap niya ang naturang project at baka big star na siya ngayon sa Hollywood?

“Wala. Wala akong regrets kasi wala naman akong ilusyon talaga na, ‘I wanna make it big in Hollywood.’

“Yung sa akin, everything is an adventure. Let’s see what unfolds… that there is more to life than just acting, even up to now. That’s why I’d like to keep a private life. There’s more to life than pelikula, like going back to school.”

Kung tinanggap daw niya ang “Rambo II” ay baka hindi na siya nakabalik sa Pilipinas at hindi rin niya natapos ang kanyang pag-aaral, at baka hindi na rin siya nagkaanak.

Fast forward: after four years sa US, bumalik ang aktres sa Pilipinas para gawin ang pelikulang “Mission Manila” (1988) kasama ang Hollywood actor na si Larry Wilcox.

Kasunod nito, inalok siya ng Viva Films na gawin ang “Balweg” ni Phillip Salvador, “Then one led to the other. Sunud-sunod na yung ginawa kong movies dito. Hindi na ako nakabalik sa L.A.

“And I decided, enjoy ako dito kasi I was constantly working as an actor. In L.A., may mga gaps na hindi ako nagwo-work. Naiinip ako. At saka naho-homesick ako.

“Gusto kong umuwi ng Pilipinas, gusto kong kumain ng Filipino food, nami-miss ko ang Pilipinas. And I realized na hindi pala ako meant to live in America habang buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I realized kung ako namatay, gusto ko sa Pilipinas,” mariing sabi pa ni Tetchie Agbayani.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending