Joseph Marco sinagip ang pusang may sakit na pagala-gala sa kalye, agad na dinala sa vet: 'Prayers for Sylvester' | Bandera

Joseph Marco sinagip ang pusang may sakit na pagala-gala sa kalye, agad na dinala sa vet: ‘Prayers for Sylvester’

Ervin Santiago |July 30,2023
facebook
share this

Joseph Marco sinagip ang pusang may sakit na pagala-gala sa kalye, agad na dinala sa vet: ‘Prayers for Sylvester’

Ervin Santiago - July 30, 2023 - 06:24 AM

Joseph Marco sinagip ang pusang may sakit na pagala-gala sa kalye, agad na dinala sa vet: 'Prayers for Sylvester'

Joseph Marco

MARAMING na-touch sa ginawa ng Kapamilya hunk actor na si Joseph Marco sa isang pusa na pagala-gala sa isang kalye kamakailan.

Pinusuan at ni-like ng sandamakmak na netizens ang pagsagip ng binata sa pusang payat na payat at pinaniniwalaang may malubha nang sakit.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Joseph ang video kung saan makikita kung paano niya tinulungan at sinagip ang kaawa-awang pusa. Pinangalanan ng aktor ang bagong alagang hayop na si Sylvester.

Sa nasabing video, kitang-kita ang paglapit ni Joseph sa pusa at ang pagkarga niya rito saka inilagay sa maliit na kahon. Isinama niya ito sa loob ng  kanyang sasakyan para dalhin sa isang veterinary clinic.

“I would always play with this cat everytime I visit my resto. But I got alarmed, he lost so much weight,” pahayag ni Joseph.

“He has colds and been squeezing a lot. So I decided to bring him to the vet,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joseph Marco (@josephcmarco)


Sabi pa ni Joseph, “He was pretty confused. I guess he has never been inside a car. I named him Sylvester. It’s his first time going to the vet. Hope he recovers soon. Prayers for Sylvester.”

Baka Bet Mo: Joseph Marco hubo’t hubad sa 33rd b-day; 2 music video ni Jayda pasok sa Int’l Film Festival Manhattan 2021

Maraming netizens ang nagkomento sa post ng aktor at halos lahat sila ay nagsabing saludo sila sa ipinakitang pagmamalasakit nito sa “pusakal” o ang tinatawag na pusang kalye.

“Praying for his recovery,” ang komento ng aktres na si Alexa Ilacad sa IG post ni Joseph.

Narito ang ilan pang comments na nabasa namin sa IG post ni Joseph.

“You’re handsome but your heart is kind.”

“Awwwww this is so heartwarming.”

”I really didn’t mistaken for being a fan of your’s & support you. such a nice guy.”

“Aww that’s how nice of you.”

“Good job Marco.”

“I love you for this, joseph! thank you so much!”

“Ay Grabeh!!! Thank you Sir, Marco!”

“You’re such a compassionate guy. Please post an update.”

“Good job Marco I’ve been doing taking care of strangers and abandoned cats and giving them free foods and a place to live.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na tumulong at sumagip ng pusang gala si Joseph. Nauna na rito ang ginawa niyang pagtulong sa sugatang pusa na nakita niyang pagala-gala sa isang kalsada sa Makati City.

Sharon hindi sinanay si Frankie sa mga branded na gamit; Dina, Alma magsasama sa comedy series

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joseph Marco hinding-hindi makakalimutan si Sharon Cuneta: I will carry this beautiful experience for the rest of my life

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending