Joseph Marco hinding-hindi makakalimutan si Sharon Cuneta: I will carry this beautiful experience for the rest of my life | Bandera

Joseph Marco hinding-hindi makakalimutan si Sharon Cuneta: I will carry this beautiful experience for the rest of my life

Ervin Santiago |June 27,2022
facebook
share this

Joseph Marco hinding-hindi makakalimutan si Sharon Cuneta: I will carry this beautiful experience for the rest of my life

Ervin Santiago - June 27, 2022 - 07:44 AM

Joseph Marco at Sharon Cuneta

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang hunk actor na si Joseph Marco na katrabaho at kaeksena na niya ang nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta.

Feeling lucky ang binata na nabigyan siya ng chance na makasama sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ang movie icon at award-winning actress.

Ani Joseph, never niyang na-imagine na darating ang araw na makakaeksena niya si Mega kaya naman talagang pinagbubutihan niya ang bawat eksena nila sa “Probinsyano” na mahigit anim na taon nang umeere sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ng aktor ang litrato nila ni Sharon na kuha sa isang madrama nilang eksena sa action series na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Aniya sa caption, “I am very humbled to have shared the spotlight with the one and only #Megastar. Hanggang ngayon, hindi pa din ako makapaniwala na nangyari itong eksenang ito.”

Inamin din ng hunk actor sa kanyang post na hindi naging madali ang journey niya sa mundo ng showbiz dahil marami rin siyang natanggap na rejections noon pero ngayon katrabaho na niya si Sharon.

“To the #Megastar, maraming salamat. I am beyond grateful for this experience. Thank you for being so generous and supportive. I will carry this beautiful experience for the rest of my life. Surreal,” lahad ni Joseph.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joseph Marco (@josephcmarco)


Sa huli, pinaalalahanan niya ang lahat na huwag na huwag susuko sa pag-abot ng kanilang mga pangarap kasabay ng pagpapasalamat sa buong produksyon ng “Ang Probinsyano.”

“At para sa lahat na patuloy na lumalaban para sa pangarap, kapit lang. Ipaglaban mo ang pangarap mo!

“Tulad ng sipiin na tumulong sa akin magpatuloy sa buhay, ‘Success happens when preparation meets opportunity.’

“Maraming Salamat sa #FPJsAngProbinsyano, @abscbn, @dreamscapeph , at higit sa lahat kay @cocomartin_ph,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, nagkomento naman si Sharon sa mga sinabi ni Joseph kung saan nabanggit nga nito na masaya rin siy na makatrabaho ang binata at super proud siya sa performance ng aktor sa “Probinsyano.”

Joseph Marco hubo’t hubad sa 33rd b-day; 2 music video ni Jayda pasok sa Int’l Film Festival Manhattan 2021

Herlene Budol, Joseph Marco magtatambal para pakiligin ang mga netizens

Madam Inutz shocked pa rin sa pagiging instant star: Hindi po talaga ako makapaniwala!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending