Sharon hindi sinanay si Frankie sa mga branded na gamit; Dina, Alma magsasama sa comedy series Bandera

Sharon hindi sinanay si Frankie sa mga branded na gamit; Dina, Alma magsasama sa comedy series

Reggee Bonoan |September 22,2022
share this

Sharon hindi sinanay si Frankie sa mga branded na gamit; Dina, Alma magsasama sa comedy series

Reggee Bonoan - September 22, 2022 - 02:23 PM

Sharon hindi sinanay si Frankie sa mga branded na gamit; Dina, Alma magsasama sa comedy series
KUNG ang panganay na anak ni Sharon Cuneta na si KC Concepcion ay branded ang lahat ng gamit simula noong bata pa ay kabaliktaran naman ng ikalawa niyang panganay na si Frankie Pangilinan.

Hindi kasi sinanay ng Megastar na lumaki sa mamahaling gamit ang panganay nila ni ex-Senator Kiko Pangilinan.

Pero nang tumuntong na ng 18 years old na si Frankie at nakatakdang mag-aral sa ibang bansa ay si Sharon na mismo ang nagbigay ng go signal para makapamili ang anak ng mga susuotin niya.

Base sa Instagram post niya noong pa-New York City USA ang anak ay nag-post siya ng mga branded footwear na pagpipilian ni Frankie.

Caption ng Megastar, “I surprised Kakie today by asking Madel of @madeloveluxe to come over with several pairs of footwear to have Kakie choose from. Her first branded ones since she was a toddler!

“She’s been a really good kid – a loving daughter and I wanted her to pick some good pairs for when she goes off to college!

“Thank you, Madel for gifting me with beautiful black Prada sneakers and gifting Kakie with her first Chanel sneakers! We love you! And I truly love my Kakie.

“She was naiiyak because we have always given our children a modest budget for shopping, and they aren’t spoiled and have very few expensive things. That way, they know the value of hard-earned money and appreciate it so much when they receive well-made investment pieces. She was so happy!

“Eighteen na siya and I am grateful she never turned into a monster throughout her teenage years! Hahaha! #offtocollege #collegegirl I love you Baba!!! @frankiepangilinan”

Going back to KC na kaya naman branded ang mga gamit niya ay dahil spoiled siya noong nabubuhay pa ang Mamita Elaine Cuneta niya kaya hindi mo rin masisisi ang dalaga na ganu’n ang kinalakihan niya.

Ang maganda kay Kristina Cassandra ay nanatiling humble, magalang, at mabuti sa lahat at hindi namimili ng kausap.

Same thing with Frankie, mas vocal nga lang siya kaysa sa Ate KC niya.

 

 

* * *

Magsasama sa comedy series sina Alma Moreno at Dina Bonnevie na may titulong “Kalye Kweens” sa TV5 at mapapanood na ito simula sa Sabado, Oktubre 1 back-to-back na sila ng “Oh My Korona” ni Maja Salvador.

Wala nang kailangang dapat patunayan sina Alma at Dina sa kanilang craft dahil pareho silang mahusay umarte at halos lahat ng pelikulang pinagbidahan nila noong kabataan nila ay kumita, pero sab ago nilang series ay may kailangan silang patunayan.

Pagtatalunan nang dalawang mahusay na aktres kung sino naman ang Tunay na Reyna ng Kalye.

Bardagulan ang mga eksenang mapapanood sa bagong comedy series na Kalye Kweens

Na usung-uso ngayon ang bardagulan sa social media pero iba pa rin ang dating ‘pag personal ang talakan, lalo na kung sa kalye ang away for the whole barangay to see.

Gaya na lang ng magaganap na awayan nina Alma at Dina sa Kalye Kweens. Umere na ang launch plug ng nasabing programa at talaga namang bardagulan to the next level ang ganap nina Alma at Dina kasama ang cast ng Kalye Kweens.

Parang nakikinita na namin na sasakit ang tiyan sa kakatawa ng mga manonood dahil knowing Alma na komedyana naman talaga ito at sasabayan pa ng pagka-taklesa ni Dina.

Naku, dapat bang kabahan si Maja dahil sina Dina at Alma ang ka-back-to-back ng “Oh My Korona” niya?

Related Chika:
Dina Bonnevie muling nakipag-bonding sa mga apo kay Oyo Boy

Sharon Cuneta ibinandera ang bagong look, pumayat matapos magkasakit

Frankie Pangilinan dapat daw mag-sorry sa Marcos family; hinamong lumayas sa Pinas

Dina nakita na ang bagong apo; Pauleen ‘di mapigil ang gigil kay baby Isaac

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending