Frankie Pangilinan dapat daw mag-sorry sa Marcos family; hinamong lumayas sa Pinas
MANUNUMPA na sa katapusan ng buwan si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. bilang bagong Presidente ng Pilipinas.
At habang papalapit na ang itinakdang araw para sa bagong halal na pangulo, heto si Simone Francesca Emmanuelle Pangilinan o mas kilala bilang si Kakie na anak nina Sen. Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta ay patuloy pa ring bina-bash.
Ito’y dahil nga sa huling post niya sa kanyang Twitter account nitong nakaraang mga araw.
Base sa tweet ng panganay nina Mega at Kiko, “Pls consider 99.99% of my past tweets null and void i am simply no longer that person. I invoke the age old rule that people are allowed to change.”
Libu-libo ang nag-retweet sa sinabing ito ni Kakie kaya trending topic na naman ito at napag-usapan nga sa “Showbiz Now Na” YouTube channel nina Nanay Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio na in-upload nitong Lunes ng hapon.
View this post on Instagram
Bungad ng batikang manunulat, “Hay naku, ang tagal nang natapos ang eleksyon hanggang ngayon auy mayroon pa ring naiiwang mga isyu na pinagpipistahan.”
Say naman ni Romel, “Hindi basta-basta mawawala ang mga pangit na nangyari noong eleksyon.”
Sa pagpapatuloy ni ‘Nay Cristy, “Oo, ba’t ganu’n ano? Parang napakahirap palampasin basta-basta ‘yung mga pinakain na salita na hindi malunok?
“Ang tinutukoy po namin mga katsika, nag-post po kasi si Kakie Pangilinan na noon daw po lahat ng ipinost niya noong nakaraang halalan ay null and void na raw po yun, bale wala na raw po, palampasin na raw po, tuloy ang buhay.
“Nagalit ang mga loyalista ng pamilya Marcos lalo na ang mga solid BBM. Natural, ganu’n na lang daw ba iyon? Wala man lang daw kakambal na pagso-sorry, paghihingi ng tawad sa kanyang mga sinabi na ‘yung isyung halalan daw po sa Comelec ay matagal nang naibenta!” ani Nay Cristy.
“’Yun! Nakakatakot ‘yun!” sambit ni Romel.
“Akusasyon talaga,” saad naman ni Morly.
Dugtong pa ni ‘Nay Cristy, “Saka ‘yung sinabi niyang pinakamabigat na ‘hinding-hindi ko matatanggap na Marcos pa rin ang apelyido ng magiging pangulo ng bayang ito, never-ever! (sabay pakita ng video interview ni Kakie).”
Hirit ni Romel, “Tapos ngayon magpo-post siya na balewala na lang daw ‘yun. Sino siya para magsabi ng balewalain na natin?”
At nabanggit din ng online host at manunulat na kaliwa’t kanan ang bashing kay Kakie lalo na ng mga vloggers na nagsabing, “Ganu’n na lang? Pinakain mo ng masama, nagsalita ka ng pagkasakit-sakit ganu’n na lang? Basta tatanggapin mo ‘yung salita mong null and void ang binitiwan mong salita?”
Opinyon ni Romel, “Dapat imbes na nag-post siya, nag-sorry na lang siya malamang napatawad pa siya ng mga BBM supporters.”
Naikuwento ni Nanay Cristy na pinapaalis daw si Kakie sa Pilipinas ng mga taong nasaktan sa mga sinabi niya.
“Although hindi ko naman narinig si Kakie na nagsabing ‘kapag nanalo ang Marcos aalis ako sa bansang ito!’ Wala akong narinig na ganu’n, Wala hindi ko ‘yun talaga narinig.
“Ibig sabihin siguro ng mga BBM supporters na ganu’n ang sinabi mon a hindi mo matatangap na ang apelyido pa rin ng bagong pangulo ay Marcos, bakit ka pa nandito? Pumunta ka na lang sa ibang bansa,” pahayag ni ‘Nay Cristy.
Sundot din ni Romel, “Oo nga, dapat matic (automatic) na ‘yun na BBM ang nanalo, Marcos ano ang dapat gawin, alis na!”
Ipinagtanggol naman ni Morly si Kakie, “Ate Cristy wala naman tayong karapatang magpaalis ng isang tao partikular na wala naman siyang ginawang masama maliban doon sa pagsasalita niya against BBM kasi lahat naman tayo, lahat ng mga kalaban ay puwedeng magsalita at magbatuhan ng mga masasamang (salita).”
Sumang-ayon si ‘Nay Cristy sa sinabi ni Morly at si Romel naman ay gayu’n din pero hirit niya ay ano pa ang silbi (mo) kung hindi ka makikisali sa sa galawan sa pulitika.
At muling naikumpara si Kakie sa nanay niyang si Sharon base na rin sa sinabi ng isang female vlogger na naikuwento nga ng batikang manunulat.
“Hindi naman ganyan ang nanay mo! Nasubaybayan ko naman si Sharon, hindi ganyan ang ugali sa iyo! Ayan tuloy pati itsura mo napapakialaman na. Hindi ko sinasabing hindi ka maganda, kulang ka lang sa ganda,” kuwento ni Nanay Cristy.
https://bandera.inquirer.net/313225/frankie-binigyan-ng-assignment-ni-clarita-carlos-can-you-write-a-5000-word-essay-defending-your-declaration
https://bandera.inquirer.net/296067/cristy-kay-kylie-magtayo-ka-ng-sarili-mong-publikasyon
https://bandera.inquirer.net/283821/kiko-hindi-ipagpapalit-ang-pagiging-asawa-ni-mega-sa-kahit-anong-bagay-sa-mundo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.