Sharon Cuneta ibinandera ang bagong look, pumayat matapos magkasakit Bandera

Sharon Cuneta ibinandera ang bagong look, pumayat matapos magkasakit

Therese Arceo |June 16,2022
share this

Sharon Cuneta ibinandera ang bagong look, pumayat matapos magkasakit

Therese Arceo - June 16, 2022 - 07:33 PM

Sharon Cuneta ibinandera ang bagong look, pumayat matapos magkasakit
PROUD na ibinandera ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang bagong look pati na rin ang mas sexy nitong katawan.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang kanyang larawan habang nakasuot ng black pantsuit na mas nagpaigting pa ng kanyang kaseksihan at bumagay pa ang kanyang short hair look.

“Got sick these last few days. Lost weight,” saad ni Sharon sa kanyang Instagram post.

Marami naman sa mga netizens at maging mga kasamahan nito sa showbiz ang namangha sa bagong look ng nag-iisang Megastar.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

“Oh my gosh GRAAAAAAAABE!!!! Konti na lang, lalabas na si Monique sa Maging Sino Ka Man,” komento ni Mariel Padilla.

Reply naman ni Sharon, “Si Monique nga ang peg at binabalikan bebe!”

Saad naman ni Jaya, “Ate!!! Ano ba naman ke sexy mo!”

“Mega sexiness,” hirit naman ni Nelson Canlas.

Matatandaan na noong Nobyembre 2021 nang ilahad ni Sharon ang kanyang journey sa pagpapapayat.

“I started exactly January 2016. Five years na ako naglo-lose ng weight slowly but steadily. But you reach a point na when you hit that number, you don’t know what it is, but when you hit that number sa scale, doon mo mano-notice na pumayat ka. Pero hindi nila alam na ang tagal [ng process]. I am almost half of my body weight,” kwento ni Sharon.

Mula nga sa size na XXL ay medium na lang ang Megastar base sa post niya noong nakaraang taon.

Bukod kay Sharon ay trending ring ang anak nitong si Miel Pangilinan matapos itong mag-out bilang parte ng LGBTQ+ community.

Lubos naman ang pagsuporta nina Ate Shawie at Sen. Kiko sa kanilang anak sa kung ano man ang preference nito sa kanyang kasarian.

“All I will say is that I love all my children and will support them in their lives and choices. I am proud of my children and all my children are perfect. I love you, my Miel,” sey ni Sharon sa kanyang Instagram.

Related Chika:
Basher tinalakan ni Sharon: Marunong akong kumanta, sumayaw, umarte at nagpayaman ng producers

Sharon sa pag-come out ni Miel: I’m proud of my children and all my children are perfect!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending