Joseph Marco ipinasilip ang 'bukol' kay Rosanna Roces, daks ba?

Joseph Marco ipinasilip ang ‘bukol’ kay Rosanna Roces, daks ba: Sakto lang!

Regee Bonoan |January 18,2024
facebook
share this

Joseph Marco ipinasilip ang ‘bukol’ kay Rosanna Roces, daks ba: Sakto lang!

Regee Bonoan - January 18, 2024 - 12:49 PM

Joseph Marco ipinasilip ang 'bukol' kay Rosanna Roces, daks ba: Sakto lang!

Joseph Marco at Rosanna Roces

LUKANG-LUKA si Rosanna Roces nang malaman niyang naka-Facebook live ang ginanap na finale mediacon para sa teleseryeng “Pira-Pirasong Paraiso” kahapon sa ABS-CBN Studio 10.

Buong-ningning kasi niyang naikuwento sa presscon na nagpakita raw ang isa sa cast member ng serye na si Joseph Marco ng kanyang “junjun” sa kanya habang kumakain siya.

Nagbahagi kasi ang veteran stars ng “Pira-Pirasong Paraiso” kung ano ang mga experience nila sa mga Gen Z actors na kasama nila sa serye at nabanggit nga ni Osang na parang kapatid na niya si Joseph dahil nakasama niya ito sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Dire-diretsong kuwento ni Osang, “As in parang magkapatid na kami, ‘no (sabay tingin kay Joseph), pati ‘ano niyan’ nakita ko na (sabay tawa).”

Naloka ang mga nakarinig at pati ang katabing si Snooky Serna ay nagulat at binulungan si Osang kung totoo at um-oo naman ang huli.

Baka Bet Mo: Osang gusto pang magka-baby; pangtanggal stress ang mga anak nina Anne, Solenn at Coleen

Pagpapatuloy ni Rosanna, “E, ipinakikita naman kasi nila sa akin, e. Tinitingnan ko naman siyempre. Ha-hahahaha! Pero walang malisya ‘yun.”

Nang maalala ng aktres na naka-FB live ang mediacon ay tumigil na siya sa pagkukuwento kaya naman pagkatapos ng mediacon ay sinundan si Osang ng press para muling tanungin kung paano nangyari ang “silipan” nila ni Joseph.

“Nagsa-sunbathing siya no’n, e, kumakain ako. Sabi ko, ‘Seph kanin lang ‘to wala bang ulam (tumatawang sabi habang sinisipat-sipat ang aktor) kapiranggot lang naman ‘wag mo nang ipagdamot!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joseph Marco (@josephcmarco)


“Tapos ipinakita, napasubo naman ako (ng kinakain niya)! Ha-hahaha! Sakto lang,” tumatawang kuwento ng aktres.

Pero kinlaro ni Rosanna na walang malisya yun dahil pamilya na ang turingan nila ng aktor simula nu’ng magkakasama sila sa “Ang Probinsyano.”

Baka Bet Mo: Rosanna Roces nakatanggap ng diamond earrings sa kanyang kaarawan: Masarap pala ‘pag ikaw binibibigyan

“Hindi mo iisipin na gnau’n siya kabait, ganu’n siya ka-cowboy kasi di ba, heartthrob ang ano niya (imahe), sosyal pa-English-English pero pag kayo-kayo lang, ang bait ‘yan,” sambit pa ng aktres.

Napakabait nga ni Joseph dahil matapos siyang ibuking ni Osang ang tanging nasabi na lang niya ay, “Si Ms. O, sobrang mabait talaga at maalaga, kapag gusto ka niya, kasi black and white ‘yan kapag ayaw ka niya, ayaw niya, kapag gusto ka, gusto ka talaga. Ms. O strike 2 na ako sa ‘yo, pangalawang beses mo na akong pinatay sa serye (nabuking na napatay siya sa PPP).”

Natawa ang lahat dahil nga hindi pa umere ang eksenang napatay na si Joseph sa “Pira-Pirasong Paraiso.”

Hirit ni Osang, “Oo, ako rin dito ang pumatay, sabi ko bumawi ka na lang sa susunod (na seryeng pagsasamahan nila) sa akin.”

Muling tinanong ang aktres kung “daks” ba si Joseph. Tumawa si Osang, “Ha-hahaha! Sakto lang.”

Anyway, ang “Pira-Pirasong Paraiso” ay isang co-production series mula sa ABS-CBN at TV5 at ito ay sa ilalim ng direksyon nina Raymund Ocampo at Roderick Lindayag.

Sa huling dalawang linggo ng serye ay nanganganib ang matagal nang pinapangarap na hiling ng Paraiso sisters na mabuo muli ang kanilang pamilya dahil mas pinalakas pa ni Criselda (Rosanna) ang kanyang puwersa, kasama sina Jacinda, Badong, at Hilary (Snooky Serna, Epy Quizon, at Elisse), upang maghiganti at pabagsakin sina Amy, Beth, at Diana (Loisa, Alexa, and Diana).

Dahil sa malaking dagok sa kanilang buhay, magkaroon pa kaya ng happy ending ang love story sa relasyon ng sweethearts na sina Amy at Jonaf (Ronnie), ang mag-ex na muling nagkabalikan na sina Diana at Vlad (Joseph), at ang engaged couple na sina Beth at Elon (KD)?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tutukan ang “Pira-Pirasong Paraiso,” Lunes hanggang Biyernes ng 2 p.m. at kada Sabado ng 3 p.m., sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending