Pagkatsugi agad ni Maricel sa 'Pira-Pirasong Paraiso' viral na, nagkaproblema nga ba sa production? | Bandera

Pagkatsugi agad ni Maricel sa ‘Pira-Pirasong Paraiso’ viral na, nagkaproblema nga ba sa production?

Reggee Bonoan |October 16,2023
facebook
share this

Pagkatsugi agad ni Maricel sa ‘Pira-Pirasong Paraiso’ viral na, nagkaproblema nga ba sa production?

Reggee Bonoan - October 16, 2023 - 06:14 PM

NAG-VIRAL ang mabilis na pagkatsugi ni Maricel Soriano sa seryeng “Pira-Pirasong Paraiso” na pinagbibidahan nina Charlie Dizon, Alexa Ilacad, Loisa Andalio, KD Estrada, Joseph Marco, Ronnie Alonte, Elise Joson at Snooky Serna.

May sitsit na may hindi nakasundo ang Diamond Star sa serye kaya nawala agad siya na mabilis namang pinabulaanan ng isang taga-Kapamilya network.

“Walang nakaaway o hindi nakasundo si Ms. Maricel, guest lang po talaga siya. Nagpapasalamat nga raw ang production at pumayag siyang mag-guest kasi may regular show siya ‘yung Linlang na umeere na sa Prime video,” paliwanag sa amin.

Hindi raw puwedeng segue-segue ang premyadong aktres dahil siyempre kailangan din nitong alagaan ang kanyang kalusugan.

Baka Bet Mo: Elisse, Loisa, Charlie, Alexa sinigurong walang inggitan at kumpetisyon, nagsumpaan na hindi mag-aaway-away

Nanghihinayang nga rin daw ang ibang cast members ng “Pira-Pirasong Paraiso” dahil gustung-gusto pa nilang magkaroon ng eksena kay Marya at siyempre ang kanilang bonding moments.

Nabanggit sa amin na abangan ang kuwento ng serye dahil marami pang mangyayari na ikawiwindang ng manonood. Tatagal pa raw ito hanggang December, 2023.

* * *

Binibilangan na ng producer at direktor ng isang TV series ang premyadong aktres na kapag hindi pa rin nito binago ang kanyang work ethics ay posibleng patayin ma ang karakter niya na importante pa naman sa kuwento.

Ipinaliwanag sa amin ang problema ng buong produksyon sa premyadong aktres na naawa kami dahil akala namin ay nagbago na siya, hindi pa rin pala.

“May malaking problema, eh. Pero siyempre hindi mo naman puwedeng dalhin sa trabaho ang personal mong problema di ba?

“Apektado masyado, maraming oras na nasasayang buti na lang well-loved siya ng mga kasama niya kaya iniintindi siya, pero hanggang kailan?

“Saka sa part ng produksyon siyempre nagmamadali nga para makatapos kaagad di ba?

“E, kung ilang beses siyang kukunan kasi hindi niya ma-perfect ang mga eksena, siyempre malaking abala,” kuwento ng aming source.

Kapansin-pansin din na kapag naiinterbyu ang premyadong aktres ay parang malayo ang sagot sa tanong na halatang iwas na iwas sa isyu.

Related Chika:

Bakit may mga araw na hindi na makausap ni KD Estrada si Alexa Ilacad?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Snooky Serna nagbabalik-Kapamilya after 10 years, puring-puri ang 4 na bida sa ‘Pira-Pirasong Paraiso’: ‘Clap, clap, clap!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending