Maricel Soriano sa mga artistang natatakot sa kanya: 'Huwag naman kayong ganyan, hindi naman ako nangangagat!' | Bandera

Maricel Soriano sa mga artistang natatakot sa kanya: ‘Huwag naman kayong ganyan, hindi naman ako nangangagat!’

Ervin Santiago |September 27,2023
facebook
share this

Maricel Soriano sa mga artistang natatakot sa kanya: ‘Huwag naman kayong ganyan, hindi naman ako nangangagat!’

Ervin Santiago - September 27, 2023 - 07:11 AM

Maricel Soriano sa mga artistang natatakot sa kanya: 'Huwag naman kayong ganyan, hindi naman ako nangangagat!'

Maricel Soriano

PARANG tunay na mga anak na ang turing ngayon ng Diamond Star na si Maricel Soriano sa apat na bida ng afternoon series ng ABS-CBN at TV5 na “Pira-Pirasong Paraiso.”

Dahil wala nga siyang anak na babae (Maricel has 2 son) madali siyang naging close kina Charlie Dizon, Alexa Ilacad, Loisa Andalio at Elisse Joson.

Sa presscon na in-organize ng Dreamscape Entertainment na siyang producer ng “Pira-Pirasong Paraiso” para sa pagpasok ni Maria sa kuwento, natanong ang movie icon kung ano ang bonding moments nila ng apat na Kapamilya younstars.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Natutuwa ako kasi wala akong anak na babae, ‘di ba? Mga lalaki ‘yung anak ko kaya kapag nakakakita ako ng girls, ‘Ano ‘yung like mo? Ano ‘yung feel mo? O tapos, kwento ka pa.’

“Tapos ini-interview ko sila. Kinakausap ko sila parang mga baby ko, anak-anakan,” masayang pagbabahagi ni Maricel.

Baka Bet Mo: Elisse, Loisa, Charlie, Alexa sinagot kung naranasan na nilang magparetoke, may kanya-kanyang paraan para mas maging confident

Feel na feel daw ng premyadong aktres ang takot at pagkailang sa kanya nina Elisse, Charlie, Loisa at Alexa lalo na kapag magkaeksena sila.

Kaya naman talagang ginagabayan niya ang apat na aktres nang bonggang-bongga para mas ma­ging maganda ang kalabasan ng kanilang mga eksena.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Nahihiya sila, sabi ko, ‘Huy! Huwag naman kayo ganyan. Hindi naman ako nangangagat!’ para matawa sila. Hindi ko alam bakit ganu’n.

“Kapag kinakausap ko sila, sabi ko, ‘Don’t be intimidated, don’t be. ‘Yan ang tatanggalin n’yo kasi makakasira ‘yan sa acting n’yo,” chika ni Maricel.

Samantala, sila ng kanyang kaibigan na si Snooky Serna ang magtatarayan at magpapatalbugan sa “Pira-Pirasong Paraiso” na talagang ikina-excite ng kanilang mga fans.

Sey ni Maricel, palagi silang nagchichikahan ni Snooky, “Ay! Masaya kami, Diyos ko! Wala kaming ginawa kundi mag-reminisce.

“Okay na okay kaming dalawa. Ang ganda namin ‘pag magkasama together,” ang laugh nang laugh na kuwento ng Diamond Star.

Bakit may mga araw na hindi na makausap ni KD Estrada si Alexa Ilacad?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Snooky Serna nagbabalik-Kapamilya after 10 years, puring-puri ang 4 na bida sa ‘Pira-Pirasong Paraiso’: ‘Clap, clap, clap!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending