Maricel nagtataka kung bakit tinawag na Taray Queen: 'Diretso lang naman akong kausap, sinasabi ko lang naman ang totoo!' | Bandera

Maricel nagtataka kung bakit tinawag na Taray Queen: ‘Diretso lang naman akong kausap, sinasabi ko lang naman ang totoo!’

Ervin Santiago |September 21,2023
facebook
share this

Maricel nagtataka kung bakit tinawag na Taray Queen: ‘Diretso lang naman akong kausap, sinasabi ko lang naman ang totoo!’

Ervin Santiago - September 21, 2023 - 11:02 AM

NAGTATAKA rin ang nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano kung bakit nga ba siya binansagang “Taray Queen” noong kabataan niya sa mundo ng showbiz.

Limang dekada na si Maricel sa entertainment industry at hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kanyang career bilang isa sa mga pinakamagagaling na aktres sa bansa.

Sa katunayan, hataw ngayong taon ang premyadong aktres, dahil sunud-sunod ang proyekto niya sa ABS-CBN, bukod pa riyan ang mga pelikulang ginagawa niya.

Kahapon, September 20, humarap si Maria sa ilang members ng entertainment media para sa pinakabago niyang teleserye, ang “Pira-Pirasong Paraiso” na napapanood sa ABS-CBN at TV5.

Yes, pasok na nga si Maricel sa nasabing serye na pinagbibidahan nina Elisse Joson, Charlie Dizon, Alexa Ilacad at Loisa Andalio. Dito, makikipagtalbugan si Maria sa karakter ng kanyang ka-batch na si Snooky Serna na siyang major kontrabida sa kuwento.

Baka Bet Mo: Maricel Soriano bukas sa muling pakikipagrelasyon: Kung medyo nakasara ‘yung door, puwede mong i-push tapos sasabihin ko sa ‘yo, ‘hello’

Bukod nga rito, bibida rin si Maria sa upcoming Kapamilya drama series na “Linlang” kasama sina JM de Guzman, Kim Chiu at Paulo Avelino. Inaasahan din na papasok bilang official entry sa Metro Manila Film Festival 2023 ang pelikula niyang “In His Mother’s Eyes.”

Sa naganap na presscon, inamin ni Maricel na talagang ipinagdasal niya ang magkaroon ng maraming projects matapos mamahinga sa pag-arte sa loob ng ilang taon.

“Hindi na ako nawawala ngayon kasi alam ko na ang daan. Pinag-pray ko kasi. Sabi ko, ‘Lord, I want to be responsible again.’ Kaya dapat meron ako ginagawa.

“Mayroon akong napapatawa. Marami akong napapaiyak. Maraming nakakaintindi. Gusto ko yun. Answered prayer,” chika ni Maria.

Sabi pa ng Diamond Star, hinintay lang niya ang perfect timing at motivation para bumalik siya sa limelight, “Dati hindi ko pa maramdaman e. Pag naramdaman ko ito, tuloy-tuloy tayo. Ayan na nga.”

Kasunod nga nito, natanong si Maria tungkol sa bansag sa kanya na “Taray Queen” ng Philippine showbiz. Aniya, hindi rin niya knows kung bakit siya tinawag na ganu’n.

“Nu’ng araw kasi diretso ako kausap. Kung ano tanong, yun ang sagot. Kaya sabi nila, ‘ay mataray itong babaeng ito.’ Bakit kaya ako tinawag na mataray e sinabi ko lang naman yung totoo,” natatawang sey ng showbiz icon.

Samantala, level-up na ang mga pasabog na rebelasyon sa “Pira-Pirasong Paraiso” sa pagpasok ng nag-iisang Diamond Star para sa mas pinatinding bagong yugto ng afternoon drama series.

Mapapanood si Maricel bilang si Amanda, ang lola ng magkakapatid na Paraiso. Si Amanda ang magiging susi para isa-isa nang mabigyan ng kasagutan ang mga sikreto sa masalimuot na nakaraan ng magkakapatid, pati na rin ang matagal nang palaisipan kung sino nga ba ang totoong Amy Paraiso, si Hilary (Elisse Joson) ba o si Baby (Loisa Andalio)?

Sa biglaang pagpasok ni Amanda sa buhay ng kanyang mga apo, magsusulputan din ang mga kagulat-gulat na katotohanan na maaaring maging sanhi ng tuluyang pagkakalayo ng loob sa isa’t isa ng magkakapatid.

Bukod sa inaabangang mga rebelasyon sa serye, excited na rin ang netizens sa harap-harapang tarayan ng mga premyadong aktres na sina Maricel at Snooky Serna, pati na rin sa tagos sa pusong mga linyahan nina Hilary, Beth (Alexa Ilacad), Diana (Charlie Dizon), at Baby.

Bakit biglang pumasok si Amanda sa buhay ng magkakapatid? Ano-ano pang mga sikreto ang yayanig sa mundo ng mga Paraiso?

Tutukan ang “Pira-Pirasong Paraiso,” Lunes hanggang Biyernes, 3 p.m. kada Sabado ng 2:30 p.m., sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.

Related Chika:

Vice Ganda sinagot ang netizens kung bakit wala sa top celebrity taxpayers ng 2022

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagtawag sa kanya ng ‘bitch’ ni Duterte, panglihis sa tunay na isyu, sabi ni De Lima

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending