Pagtawag sa kanya ng ‘bitch’ ni Duterte, panglihis sa tunay na isyu, sabi ni De Lima | Bandera

Pagtawag sa kanya ng ‘bitch’ ni Duterte, panglihis sa tunay na isyu, sabi ni De Lima

- March 20, 2021 - 03:36 PM

Binuweltahan ni Senator Leila de Lima si Pangulong Duterte sa pagtawag sa kanya nito ng ‘bitch.’

Ayon kay de Lima hindi niya mahanap na katuwiran ang tila panggigigil sa kanya ng Punong Ehekutibo, na sinabi pa na nagtataka siya at nagawa ng senadora na mapaniwala ang buong mundo na siya ay isang ‘prisoner of conscience.’

Ayon kay De Lima, sa kabila ng kakulangan at kapalpakan ng administrasyong Duterte sa pagtugon sa pandemya dala ng Covid-19, naiisip pa siya ng pangulo ng bansa.

Hinanap na rin ni De Lima ang mga bakuna na napaglanaanan na ng bilyun-bilyong piso mula sa pag-utang sa mga international banks.

Sinabi na lang din nito na ang mga taong walang silbi ay gagamit na lang ng ibang tao para maitago ang sarili niyang kapalpakan.

 

RELATED VIDEO

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending