Elisse, Charlie, Alexa, Loisa takot na takot nang unang makaeksena si Maricel: 'Pero very sweet at maalaga siya, parang nanay talaga' | Bandera

Elisse, Charlie, Alexa, Loisa takot na takot nang unang makaeksena si Maricel: ‘Pero very sweet at maalaga siya, parang nanay talaga’

Alex Brosas |September 25,2023
facebook
share this

Elisse, Charlie, Alexa, Loisa takot na takot nang unang makaeksena si Maricel: ‘Pero very sweet at maalaga siya, parang nanay talaga’

Alex Brosas - September 25, 2023 - 07:34 AM

Elisse, Charlie, Alexa, Loisa takot na takot nang unang makaeksena si Maricel: 'Pero very sweet at maalaga siya, parang nanay talaga'

Elisse Joson, Loisa Andalio, Maricel Soriano, Charlie Dizon at Alexa Ilacad

IT IS easily discernible kung bakit sina Elisse Joson, Loisa Andalio, Charlie Dizon,and Alexa Ilacad ay on their toes nang makatarabho nila ang Diamon Star na si Maricel Soriano sa “Pira-Pirasong Paraiso”.

Of course, they were all intimidated by the presence of Maricel. Talagang aminado silang ninerbyos sila sa mga eksena nila kay Inay Marya.

“As in takot na takot ako sa kanya. Feeling ko bawal magkamali. Iba po yung pressure,” say ni Charlie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pero nawala agad ang kanyang pressure lalo pa’t nakilala na niya nang husto si Inay Marya while taping.

“Pero nu’ng nakilala ko na siya, nu’ng bumati pa lang ako nu’ng umaga, ‘yun kaagad sinabi niya, ‘Anak, wag ka kakabahan. Sabayan mo lang ako.’

“Tapos sinabi ko agad sa kanya, ‘Nay kinakabahan ako, di umabot luha ko.’ Kasi yung eksena may kadugtong-kadugtong pa. So, parang di agad dapat umiyak. Du’n ako kinabahan na baka ‘di ako umabot,” say ni Charlie.

“Tapos si Inay, niyakap niya talaga ako. Every cut niyayakap niya ako. Pina-feel niya talaga na, ‘Wag ka kabahan, ako lang ito. Sabay lang tayo nag-eeksena,'” dagdag pa ng dalaga.

Si Alexa, ganoon din ang feeling. Noong una, intidated siya kay Inay Marya pero later on, she discovered how motherly Maricel is.

“Binasag niya agad ‘yung kaba ko. She turned it into something very light. Sinabi niya rin sa akin na, ‘wag ka ma-intimidate kahit kanino. Pantay-pantay tayo dito. Wag ka pangunahan ng takot,'” sey pa niya.

Baka Bet Mo: Promise ni Ronnie: Wala na akong ibang hahanapin pa at wala akong balak pakawalan si Loisa!

She also discovered how sweet Maricel is, contrary to her image na mataray,
“Napakalambing din. Niyayakap ako. Mahilig kami sa aromatherapy. At aliw na aliw ako sa diamonds ni Inay!”

Si Elisse naman, aminadong intimidated kay Inay Marya dahil “meron siyang aura na ang ganda niya dalhin ‘yung sarili niya, ang powerful, parang matatameme ka.”

“Pero when we talked after the scene, ang sweet-sweet ni Inay. ‘Yung pagka-powerful niya from afar, ‘yun ang kabaliktaran kapag nakilala niyo siya. Very sweet at maalaga. Parang nanay talaga. Sabi ko, someday I wanna be like that— ‘yung powerful ka, pero very warm and inviting,” came Elisse’s revelation.

Si Loisa naman ay manghang-mangha kung paano mag-switch ne emotions si Inay Marya off-cam and on cam.

“Nu’ng first day taping namin, nag-throw lines pa lang kami, bumabanat na siya ng mga comedy. ‘Di ko alam kung makikipag-banter ba ako ng joke sa kanya. Baka isipin niya, ‘Close ba tayo?! Puro drama po kasi halos lahat kinukuhanan namin na eksena. Du’n ako nabilib na pag sinabing action, ang galing niya,” say ni Loisa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Mapapanood si Maricel sa “Pira-Pirasong Pangarap” bilang  Amanda, ang lola ng magkakapatid na Paraiso. Si Amanda ang magiging susi para isa-isa nang mabigyan ng kasagutan ang mga sikreto sa masalimuot na nakaraan ng magkakapatid, pati na rin ang matagal nang palaisipan kung sino nga ba ang totoong Amy Paraiso, si Hilary (Elisse Joson) ba o si Baby (Loisa Andalio)?

Sa biglaang pagpasok ni Amanda sa buhay ng kanyang mga apo, magsusulputan din ang mga kagulat-gulat na katotohanan na maaaring maging sanhi ng tuluyang pagkakalayo ng loob sa isa’t isa ng magkakapatid.

Bukod sa inaabangang mga rebelasyon sa serye, excited na rin ang netizens sa harap-harapang tarayan ng mga premyadong aktres na sina Maricel at Snooky Serna, pati na rin sa tagos sa pusong mga linyahan nina Hilary, Beth (Alexa Ilacad), Diana (Charlie Dizon), at Baby.

Bakit biglang pumasok si Amanda sa buhay ng magkakapatid? Ano-ano pang mga sikreto ang yayanig sa mundo ng mga Paraiso?

Tutukan ang “Pira-Pirasong Paraiso,” Lunes hanggang Biyernes, 3 p.m. at kada Sabado ng 2:30 p.m., sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.

Queenay Mercado bet makatrabaho si Joshua Garcia: Napakabait naman po talaga sa personal at napakahusay umarte

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ronnie: Wala na kaming paki ni Loisa sa sinasabi ng ibang tao sa amin, basta masaya kaming dalawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending