Queenay Mercado bet makatrabaho si Joshua Garcia: Napakabait naman po talaga sa personal at napakahusay umarte | Bandera

Queenay Mercado bet makatrabaho si Joshua Garcia: Napakabait naman po talaga sa personal at napakahusay umarte

Reggee Bonoan - February 25, 2023 - 08:36 PM

Queenay Mercado bet makatrabaho si Joshua Garcia: Napakabait naman po talaga sa personal at napakahusay umarte
TAWA kami nang tawa habang pinapanood namin ang YouTube channel ni Queenay Mercado na may 309,000 subscribers at sa Tiktok ay mahigit 13M followers naman.

Mas gusto namin sa Youtube pinanonood si Queenay dahil mahaba-haba ang tsikahan nilang mag-ina na sila pala ang tandem kaya pala sa ginanap na Jullien Skin ay bukambibig lagi ng dalaga ang kanyang ina na laging kasama kahit saan siya magpunta.

Nag-iisang anak na babae pala ang dalaga kaya pala tutok ang kanyang ina sa kanya at kasama niya talaga sa lahat ng lakad niya.

Queenay nga ba ang totoong pangalan ng tinaguriang “Reyna Batangueña of the TikTokverse” bilang isa siya sa well-known influencer sa Tiktok Philippines.

“Queenie (Mercado) po. ‘Yung Queenay po kasi ‘yan po ay tagalog na tagalog, ‘yan ay Kwinay iyon po talaga ang spelling non’. E, ngayon sa Tiktok ay ginawa naming Queen-ay kasi nag-iisa po akong babae sa aming apat na magkakapatid. Tatlong lalaki at ako lang ho ang babae,” paliwanag ng dalaga sa puntong Batanguena.

Dagdag pa, “pero kalaunan po dahil sa content namin ng Inay ay na-realize namin na ‘oo nga ano, ‘yung Queenay ay Queenie at Inay kaya Queenay pinagsama.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Queenee Mercado (@queenaymercado)

Hindi lang sa Tiktok lumalabas ang dalaga dahil napanood na rin siya sa mga programang “Oh, My Korona” series ni Maja Salvador (TV5), “Sing Galin”g at “Sing Galing Kids” (TV5), “Probinsyana” MV (VVS Collective), “Showtime Online U” (ABS-CBN), “Sakto Teleradyo” (ABS-CBN), “Flex” (GMA) at “52 Weeks Puregold TikTok Nasa Iyo ang Panalo” na umabot sa 4.7M views.

Bukod sa pag-arte ay gusto rin sanang pasukin ni Queenay ang pagkanta, “pero sana balang araw ang aking pagkanta-kanta ay (okay na) kasi ayaw makisama ng boses ko. Siyempre bukod sa pag acting-acting gusto ko rin sana ang singing, dancing ‘yung malupitang dancing na malala ang galaw at matutunan ko. Ang pangarap kop o talaga ay makita ako sa big screen, sa sinehan. Talagang sabi ko kay Inay ay gagawin ko ang lahat makita lang ako sa malaking screen sa sinehan. Pangarap po talaga namin ‘yan ng inay, e, mula nu’ng bata pa.”

Ang pagiging masayahing tao at masarap kausap bukod pa na isang sikat na influencer si Queenay ang dahilan kaya siya napansin ni Ms. Jamira o Jam Magcale, presidente ng JDM Corporation ng Jullien Skin.

“We want somebody who’s like out there, who talks to the young people. Queenay is super bubbly and Jullien is (for) youthful (skin) and tingnan n’yo (sabay turo kay Queenay), we want somebody so young and people person,” chika ng presidente.

Kinilig na reaksyon naman ni Queenay, “to be honest po, hindi pa rin ako makapaniwala na napili ako ng kasi ang daming puwede, ang daming maganda, maputi, makinis, pero siguro, itinakda talaga ng Diyos na tayo’y magtagpo… kaya sobrang thankful, grateful po ako na maging endorser. Hindi ko hahayaang mawala ang tiwala nila sa akin kaya gagawin ko ang lahat… Ilabas ang tunay na ganda. Sabi ko nga sa Inay, ‘Inay, ito ba’y totoo ire? Ako’y kinuhang endorser?’ Sabi ng inay ko, ‘Magtiwala ka sa sarili mo, ikaw nama’y maganda.’

Samantala, natanong kung sinong artista na sobrang starstruck ang dalagang Batanguena.

“Lalaki po?” birong sagot ni Queenay na ikinatawa ng lahat.

“Malay n’yo babae pala ang tipo ha, ha, ha joke lang po. Si Joshua Garcia po talaga (Batangueno rin). Napakabait naman po talaga sa personal at napakahusay umarte kaya masasabi kong hinahangaan ko talaga siya,”pag-amin ng Cornerstone talent.

Related Chika:
Kauna-unahang TikTok series na ’52 Weeks’ pagbibidahan nina Jin Macapagal at Queenay Mercado

‘Nakakaloka ang pa-house tour ni Kiray sa Tagaytay!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Reaksyon ni Ate Vi nang isilang si Luis: Bakit ganito itsura? Parang malaking daga!

Jennylyn, Dennis lumantad na bilang Kakampink: Kailangan naming manindigan para sa aming mga anak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending