TikTok superstar Queenay Mercado handa ring pumila para kay Joshua, paalala sa mga single: ‘May magmamahal din sa atin’
KINIKILIG na inamin ng sikat na TikTokerist at content creator na si Queenay Mercado na super crush talaga niya si Joshua Garcia.
Yes, yes, yes mga ka-Marites. Handa rin daw pumila si Queenay sa napakahabang linya ng mga nangangarap makilala at makasama ang Kapamilya matinee idol na isa ring TikTokerist na tulad niya.
Natanong ang dalaga sa presscon ng bago niyang endorsement, ang Jullien Skin, na pag-aari ni Jam Magcale, kung sinu-sino ang mga crush niya sa showbiz.
Sagot ni Queenay na may 12 million followers na sa TikTok, “Recently may ginawa ako, na hindi ko lang puwedeng sabihin pa.
“Pero si Joshua Garcia po talaga ang gusto ko. Joshua Garcia po talaga. Napakabait naman kasi niya sa personal. At napakahusay niyang umarte eh.
“At talagang hinahangaan ko siya! Napakahusay niya!” ang pahayag ni Queenay.
View this post on Instagram
Bukod sa angking ganda at talino, ang ilan pa sa quality na nakita ng owner ng Jullien Skin kay Queenay ay ang pagiging totoo nito sa kanyang sarili at sa lahat ng taong humahanga at sumusubaybay sa kanya pati na ang good vibes effect niya sa social media.
“Palagi nga pong napapansin na very bubbly raw ako. Na masayahin nga raw po ako. At very humble raw talaga ako. ‘Yun ay pinapatunayan ko po, at hindi ako magbabago.
“Dahil ako nga po ay lumaki sa probinsiya. Alam na alam ko ang hirap ng buhay. Kumbaga, bakit ako magbabago? Kumbaga, dapat manatiling nakaapak ang mga paa ko sa lupa.
“Dapat wala akong tinatapakang tao, at hindi ko dapat tinataas ang sarili kong bangko. Kumbaga, mananatiling ako pa rin si Queenay, na kung ano ako noon, ganu’n pa rin ako ngayon,” sabi niya.
“Pero siyempre, madalas din purihin sa akin na maganda raw ang aking balat, kaya siguro ako bumagay sa Jullien Skin. At nakakatuwa, sinasabi rin nila na ang liit daw ng aking mukha.
“Sa TikTok kasi parang napakalaki raw ng aking mukha. Pero sa totoong buhay naman, sabi nga nila, parang hugis bigas daw ang aking mukha. Isang dangkal lang siya!” ang natatawang chika pa ni Queenay na may anggulo ring kamukha ni Kim Chiu.
“She’s beautiful. She’s pretty. She’s really gorgeous. So, she really embodies our brand. She’s such a simple girl!” sabi naman ng presidente at CEO ng JDM Corporation na si Miss Jam about Queenay na bagay na bagay daw bilang unang celebrity ambassador ng kanilang skin care products.
“You know if you will say to the whole universe na maganda ka, maganda ka talaga. You have to say it out loud. With young people now especially with the presence of social media, they tend to see other people na perfect. But at the end of the day, the most important thing is you take care of yourself. If you take care of yourself, you will feel great about yourself,” paalala pa ni Jam.
Samantala, nang matanong tungkol sa kanyang lovelife, “Naku nga, yan nga ho ang panalangin ko! Iyan ang dinadasal-dasal ko araw-araw, gabi-gabi. Na sabi ko’y iyan, ‘Inay, diyan muna kayo at ako’y ano muna dine sa isang tabi.’
“Pero may mga naliligaw din, ho. May mga sumusulpot na parang kabute, na mamaya ay lulubog-lilitaw. May mga ganu’n ho pero siyempre, hinahayaan ko lang ho dahil alam naman natin na ang pag-ibig ay nandiyan lang.
“At kung ang tunay na pag-ibig ay hahanapin mo, baka tayo ay ma-hopia lang pero siyempre hahanap din tayo at gagawa ng paraan paminsan-minsan. Kaya tatakas sa Inay minsan. Ha-hahahaha! Charot lang!” birong pahayag pa ng dalagang Batangueña.
Nag-date ba siya last Valentine’s Day? “Ayun, kasama ko ho ang Inay! Ha-hahaha! Ang Valentine’s Day ko ay kami lang din ho ng aking pamilya. Actually masaya naman ho ako sa aking sarili ngayon.
“Self-love, bakit naman hindi? Sa mga single diyan, huwag kayong mag-alala. May magmamahal din sa atin. Basta alagaan lang natin ang ating sarili,” paalala pa niya sa lahat ng walang dyowa.
Sa mga hindi pa masyadong nakakakilala kay Queenay, sumikat siya sa TikTok dahil sa kanyang authentic Batangueña accent at sa mga nakakalokang eksena nila ng kanyang nanay.
At dahil sa kanyang kasikatan, marami nang gumaya sa kanya sa TikTok, “Actually, natutuwa po ako na may gumagaya sa akin dahil hindi ho ako para ma-insecure or what na, ‘Aba! Ba’t ako ginagaya?’ Hindi ho!
“I’m very happy dahil siyempre, ang mga Batangueño, aba’y naiaangat natin ang ating mga sarili, ang ating probinsiya. Aba!
“Masayang-masaya ho ako dahil nailalabas na nila ang kanilang sarili. Dahil ho kung dati, sila ay nakatago, nakakubli sa kanilang mga sarili, ngayon ay nailalabas na nila ang kanilang sarili.
“Kumbaga hindi na sila nahihiya na ipakita ang punto nating mga Batangueño!” ani Queenay.
Kauna-unahang TikTok series na ’52 Weeks’ pagbibidahan nina Jin Macapagal at Queenay Mercado
Gretchen Ho nagluluksa pa rin sa pagpanaw ng ama: You will live on in us
Willie Revillame may ginawang kanta para kina BBM at Sarah: Ang kulang sa kampanya n’yo ay puso…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.