'Nakakaloka ang pa-house tour ni Kiray sa Tagaytay!' Bandera

‘Nakakaloka ang pa-house tour ni Kiray sa Tagaytay!’

Ervin Santiago |April 06,2021
share this

‘Nakakaloka ang pa-house tour ni Kiray sa Tagaytay!’

Ervin Santiago | April 06,2021 - 10:22 AM

TAWA kami nang tawa sa bagong vlog na in-upload ng Kapuso comedienne na si Kiray Celis kung saan binigyan niya ng “exclusive house tour” ang kanyang fans and YouTube subscribers.

In fairness, super laki at napakaganda ng bahay na ipinakita ni Kiray sa kanyang vlog na matatagpuan daw sa isang lugar sa Tagaytay. Kasama pa niya ang mga alagang aso sa nasabing “house tour.”

Sa unang bahagi ng video, ipinasilip ng dalaga ang kwarto ng kanyang ama pati na ang banyo nito na lahat daw ng gamit ay bago. Sabi ni Kiray, ayaw daw ng tatay niya ang bonggang room.

“Gusto kasi ni Papa simple lang. Ito ‘yung kama, matibay na pundasyon. Wala pa masyado appliances so electric fan muna,” chika ni Kiray.

“Talaga namang masasabi ko na napakaganda ng naipundar naming bahay,” super proud pang pahayag ng komedyana.

Ipinakita rin niya ang malawak na kitchen at dining room ng bahay, pati na ang sala kung saan daw makikita ang mga laruan ng kanyang mga pamangkin.

Pero ayon kay Kiray, ang  pinakapaborito raw niyang bahagi ng bahay ay ang napakagandang tanawin sa likod nito na puro puno at berdeng-berdeng bukirin.

“Ito na ang pinakamagandang view sa lahat. Paglabas mo, ito ang makikita mo.

“Napakaganda ng view. Sobrang ganda ng view. Maaliwalas. Talagang pag nakita mo ‘yung view, mawawala ‘yung problema,” aniya pa.

Sey pa bi Kiray, “Talagang life is so beautiful. And so are we. Napakasarap sa feeling na makita lahat ng pinaghirapan mo,” dagdag pa niyang chika.

“Ang galing din ng parents ko kasi talagang ang sinop nila. Alam nila kung saan ilalagay ‘yung pera ko.

“Kasi lahat ng pera ko sa trabaho talagang diretso sa mga magulang ko. And dream ko talaga sa kanila ang mabigyan sila ng magandang pamumuhay.

“I’m so happy na nakikita ko ‘yung hard work ko,” pagmamalaki pa ng isa sa cast members ng Kapuso primetime series na “Owe My Love” starring Lovi Poe and Benjamin Alves.

Nang magpapaalam na ang komedyana sa huling bahagi ng vlog, bigla siyang nilapitan ng kanyang tatay at nagsabing, “Halika na, check-out na tayo. Uwi na tayo.”

Dito na umamin si Kiray na nirentahan lamang nila ang nasabing bahay nang magbakasyon sila sa Tagaytay.

“Okay babies. It’s a prank! Hindi po namin bahay ‘to. Ni-rent lang namin ang resthouse na ito. Hindi po sa amin ito. It’s a prank babies!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending