Elisse, Loisa, Charlie, Alexa sinigurong walang inggitan at kumpetisyon, nagsumpaan na hindi mag-aaway-away | Bandera

Elisse, Loisa, Charlie, Alexa sinigurong walang inggitan at kumpetisyon, nagsumpaan na hindi mag-aaway-away

Ervin Santiago |July 26,2023
facebook
share this

Elisse, Loisa, Charlie, Alexa sinigurong walang inggitan at kumpetisyon, nagsumpaan na hindi mag-aaway-away

Ervin Santiago - July 26, 2023 - 07:38 AM

Elisse, Loisa, Charlie, Alexa sinigurong walang inggitan at kumpetisyon, nagsumpaan na hindi mag-aaway-away

Loisa Andalio, Charlie Dizon, Alexa Ilacad at Elisse Joson

MAY KASUNDUAN pala ang apat na bidang aktres sa afternoon series na “Pira-Pirasong Paraiso” na sina Charlie Dizon, Elisse Joson, Loisa Andalio at Alexa Ilacad.

Ang “Pira-Pirasong Paraiso” ang isa sa mga unang collaboration project ng ABS-CBN  at TV5 na napapanood na ngayon sa iba’t ibang platforms ng dalawang network mula sa Dreamscape Entertainment.

Ayon kay Charlie, isa ito sa mga pinakamahirap na proyektong ginawa niya dahil mas maraming challenges ang kanyang pinagdaanan bukod pa sa kailangan niyang makasabay sa galing ng mga kasamahan niya sa programa.

Sabi pa ng aktres, na huling napanood sa Kapamilya series na “Viral Scandal” with Joshua Garcia, hindi raw biro ang kanyang karakter sa “PPP” bilang ate nina Elisse, Alexa at Loisa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Lahat naman ng ginagawa nating shows sa ABS-CBN ay in the service of the Filipino viewers. ‘Yun yung kinaka-proud namin na kami ulit ‘yung magsisimula ng panghapon kasi for sure maraming nag-aabang na viewers natin para mabigyan din sila ng show na pang hapon,” sey ni Charlie sa “Pira-Pirasong Paraiso” grand presscon last July 13.

Dagdag pa niya, “We’re very grateful talaga na naging part kami ng project na ito na first collaboration ng TV5 at ng ABS-CBN.

“Of course, mas dadami ‘yung reach namin kasi ipapalabas din kami sa TV5 and mas madaming makakanood. At ‘yun naman ‘yung mas importante sa amin, na sana mapanindigan namin ‘yung service for the viewers,” chika ng award-winning actress.

Bawat episode raw ng serye ay may mga pasabog na twist, “Abangan n’yo. Halos lahat ata ng eksena ko dito lumuluha ako. So sinisigurado ko na punong-puno ito ng drama, punong-puno ng pagmamahal. Marami ding sigawan at marami ring lodi moments na aabangan niyo dito na gigising sa hapon natin.”

Siniguro rin ni Charlie na walang isyu o kumpetisyon sa kanilang apat na “magkakapatid” sa teleserye, “Nu’ng pumasok kami sa show na ito, naka-mindset kami na magkakapatid kami dito so talagang kailangan magsuportahan at saka kami rin ‘yung mahihirapan kung may nag-aaway-away.

Baka Bet Mo: Loisa, Ronnie ready na nga bang dalhin sa ‘next level’ ang relasyon?

“So, parang naka-goal kami na ganu’n, walang mag-aaway away, mag-uusap kung may problema.

“Kung may eksena na hindi kumportable, pag-uusapan talaga. And lahat naman ‘yun nakasuporta yung staff namin at sila direk so wala akming na-feel na ganu’n. Siguro sila du’n mismo hindi nila pina-feel sa amin na merong competition,” paliwanag ng dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pagbabahagi pa ng aktres, “Actually hindi namin ito first time na magkasama-sama. First time siguro in one teleserye na magkakasama kami na kumpleto kaming apat. Pero si Loisa nakakasama ko siya sa ASAP, si Elisse du’n ko lang din nakikita minsan at saka si Alexa sa Four Sisters Before the Wedding pa.

“Siguro masasabi ko na talagang ang quality nila na nakikita kong parang kapatid ko sila is si Alexa siya talaga ‘yung smart, siya ‘yung taga-isip namin talaga pag mga complicated na sitwasyon.

“Si Loisa malambing. Siya rin ‘yung palatawa. Kami ‘yung sobrang kapag nag-e-eksena kami lagi kaming nag-iiyakan pero before take ang hirap kasi tawa kami ng tawa talaga. So siya yung parang nagbibigay din ng kasiyahan sa set.

“Si Elisse ‘yung pinakamahinhin, siya ‘yung pinaka-girly. Siya ‘yung ina-idolize ko pagdating sa beauty, sa fashion, ganyan. Si Elisse ‘yung tinitingnan ko dun. Kapag about mga beauty products, si Elisse ‘yung magaling du’n.

“Si Elisse ‘yung mahinhin. Siya din ‘yung parang sosyal. So halimbawa kailangan sa mga ganu’ng sitwasyon, si Elisse ‘yung pini-peg ko talaga eh,” paglalarawan pa niya sa partner ni McCoy de Leon.

Kasama rin sa cast ng “Pira-Pirasong Paraiso” sina Ronnie Alonte, KD Estrada, Sunshine Dizon, Epy Quizon, Art Acuña, Markus Paterson, at Argel Saycon, sa direksyon ni Raymund Ocampo.

Ronnie: Wala na kaming paki ni Loisa sa sinasabi ng ibang tao sa amin, basta masaya kaming dalawa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ronnie tinulungan ni Loisa nang ma-stress at ma-depress: ‘Siya ang number 1 na bumubuo sa paraiso ng buhay ko’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending