Cast members ng 2 bagong serye ng ABS-CBN at TV5 hindi pwedeng mag-promote sa ‘Showtime’
LAHAT pala ng programa at pelikulang produced ng ABS-CBN o may ibang network na kasosyo maliban sa GTV channel ng GMA 7 ay hindi puwedeng mag-promote sa noontime show na “It’s Showtime.”
Ito ang tsika sa amin ng ilang taga-Kapamilya network dahil may nakapansing hindi nagpo-promote sa “Showtime” ang cast ng programang “Pira-Pirasong Paraiso” at “Nag-aapoy na Damdamin.”
Ang mga nabanggit na teleserye ay collaboration ng ABS-CBN at TV5. Bida sa “Pira-Pirasong Paraiso” sina Elisse Joson, Charlie Dizon, Loisa Andalio at Alexa Ilacad habang sina JC de Vera, Jane Oineza, Ria Atayde at Tony Labrusca.
“Umeere kasi sa GTV channel ng GMA ang It’s Showtime, e, kahit na may partnership na ang GMA at ABS ay hindi naman in partnership ang GMA at TV5.
“Yung dalawang show Pira-pirasong Paraiso and Nag-aapoy na Damdamin ay produced ng TV5 in partnership with ABS-CBN.
Baka Bet Mo: Pilot episode ng ‘It’s Showtime’ sa GTV pasabog, nagkaroon ng special guesting ang ilang Kapuso, Kapamilya stars
“So, paano ka nga naman magpo-promote sa Showtime tapos babanggitin mo produced ng TV5?
“Pero kung solo produced ng Kapamilya network ay puwedeng mag-promote. Like (FPJ’s) Batang Quiapo, Dirty Linen at Iron Heart. Puwede rin siyempre ang Unbreak My Heart kasi Viu produced plus collab naman ng GMA at ABS ‘yun,” paliwanag ng aming kausap.
Sa “ASAP”, “Magandang Buhay” at iba pang shows ng ABS-CBN ay puwedeng mag-promote ng mga upcoming TV shows ang mga artista ng Kapamilya network.
May point naman ang nasabing aksyon at desisyon ng mga network dahil negosyo pa rin naman ang pinag-uusapan dito.
At may kanya-kanya pa rin silang interes na pinangangalagaan at pinoprotektahan kahit pa sinasabing wala ng network war.
Related Chika:
Nang dahil sa TVJ…’It’s Showtime’ ng ABS-CBN goodbye na sa TV5, lilipat sa GTV
Dating magkakarelasyon sa ABS-CBN may ‘sumpa’ raw kaya hindi nagkatuluyan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.