Pilot episode ng ‘It’s Showtime’ sa GTV pasabog

Pilot episode ng ‘It’s Showtime’ sa GTV pasabog, nagkaroon ng special guesting ang ilang Kapuso, Kapamilya stars 

Pauline del Rosario |July 01,2023
facebook
share this

Pilot episode ng ‘It’s Showtime’ sa GTV pasabog, nagkaroon ng special guesting ang ilang Kapuso, Kapamilya stars 

Pauline del Rosario - July 01, 2023 - 01:22 PM

Pilot episode ng ‘It’s Showtime’ sa GTV pasabog, nagkaroon ng special guesting ang ilang Kapuso, Kapamilya stars 

PHOTO: Screengrab from YouTube/ABS-CBN Entertainment

BONGGA ang naging opening performance ng “It’s Showtime” family para sa unang episode ng noontime show sa GTV channel ng GMA.

Bukod kasi sa mga hosts na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Kim Chiu, Amy Perez, Vhong Navarro, at Jhong Hilario ay nakasama rin nila sa star-studded na production ang ilan pang sikat na Kapuso at Kapamilya stars.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kabilang na riyan sina Rayver Cruz, Rodjun Cruz, Barbie Forteza, Belle Mariano, Alexa Ilacad, Sanya Lopez, Chie Filomeno, Mark Bautista, Christian Bautista, Erik Santos, Pokwang at Jolina Magdangal at marami pang iba.

Nahuli rin sa camera ang President at CEO ng ABS-CBN Corporation na si Carlo Katigbak na present at nakikisaya sa makasaysayang episode.

Baka Bet Mo: Nang dahil sa TVJ…’It’s Showtime’ ng ABS-CBN goodbye na sa TV5, lilipat sa GTV

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Kapamilya, Kapuso unite! Ito na ang inaabangan ng lahat!” masayang sabi ni Vice Ganda sa kasagsagan ng pilot episode. 

Patuloy pa niya, “Ang trending na usap-usapan at inaabangan sa social media, ang ‘di natin inakalang mangyayari. It is really happening right now, right here.”

“Buong bansa at buong mundo ang saksi dito sa makasaysayang selebrasyon natin,” dagdag niya.

Ani pa niya, “Wala nang hihigit dito sa pinakamatinding plot twist ng taon. Dahil ang Kapamilya at Kapuso ngayon ay pinag-isa.”

Kung maaalala, noong June 28 ay naganap ang contract signing sa pagitan ng mga big bosses ng Kapuso at Kapamilya network para mas mapalawak pa ang pagpapalabas ng “It’s Showtime“.

Kahapon naman, June 30, ay ang huling pag-ere ng nasabing show sa TV5 at dahil diyan ay nagpaabot ng pasasalamat si Vice Ganda sa mga pamunuan ng istasyon.

Sey niya, “Gusto naming magpasalamat sa pamunuan ng TV5, sa inyong tahanan, sa pagbibigay po sa amin ng pagkakataon at oportunidad na makagamit po ng inyong bahay, sa pagkupkop sa amin na kahit hindi man masyadong matagal, panandalian, ay napakalaking tulong po n’un sa amin, sa aming pamilya, sa madlang pipol.”

Ani pa niya, “Napakalaking pabor po ‘yung binigay ninyo sa amin. Kaya naman po, ilang kabanata man ang maisulat namin mula sa araw na ito, saan man mapunta ang istorya ng ‘It’s Showtime’ bibitbitin namin ang kabanatang ito kung saan nakaramdam din po kami ng saya mula sa inyo sa pagpapatuloy ninyo sa amin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Related Chika:

Kuya Kim, Joross, Kakai kumampi kay Michael V sa isyu ng content creator: ‘Amen brother! It’s not about views, it’s about value’

Tambalang Kim Chiu-Xian Lim posible nang mapanood sa GMA 7; Anne emosyonal sa pagbabalik-Kapuso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending