Alden Richards pinili si Joshua Garcia para gumanap sa part 2 ng kanyang life story sa ‘Magpakailanman’
KUNG muling itatampok sa drama anthology na “Magpakailanman” ang buhay niya, gusto ni Alden Richards na gumanap sa part 2 ng kanyang life story si Joshua Garcia.
Napanood na ng mga Kapuso viewers ang kuwento ng kanyang buhay sa “#MPK” hosted by Mel Tiangco kung saan idinetalye ng aktor ang mga hirap at sakripisyo na pinagdaanan niya bago siya makapasok sa showbiz.
Nakachikahan ng ilang miyembro ng entertainment media ang Asia’s Multimedia Star sa zoomcon para sa month-long special ng “Magpakailanman” kung saan apat na episodes ang pagbibidahan niya.
Dito nga natanong ang Pambansang Bae kung sino sa mga male celebrities ngayon ang nais niyang gumanap sa kanyang life story sakaling gawan ito ng part 2 ng naturang Kapuso weekly drama series.
“Si Joshua Garcia nasa GMA na bakit hindi siya, ‘di ba? And parang gusto ko,” ang mabilis na sagot ni Alden. Napapanood si Joshua ngayon sa GMA primetime series na “Unbreak My Heart” ang unang collaboration project ng Kapamilya at Kapuso Network.
View this post on Instagram
Naniniwala si Alden na kering-keri ni Joshua na bigyang hustisya ang naging buhay niya sa loob at labas ng showbiz nitong nagdaang 10 taon.
Kung papipiliin naman siya kung sinong personalidad ang gusto niyang pagbidahan ang life story, yan ay walang iba kundi ang may-ari ng GMA 7 na si Atty. Felipe Gozon.
Samantala, feeling humbled and grateful naman si Alden bilang kauna-unahang aktor na bibida sa apat na episode ng “MPK” ngayong Agosto.
“Siyempre nu’ng nilatag po ito, sabi ko gagawa ka nang Magpakailanman ng one month ah, game! Of course challenging po siya sa akin.
Baka Bet Mo: Alden umaming natakot sa unang pagkikita nila ni Sharon: ‘Intimidation is there, Megastar po, eh’
“At the same time parang gusto ko ring masubukan kung hanggang saan ko pa kayang panindigan itong pagiging aktor ko pagdating po sa iba-ibang character na gagampanan ko and I think this is the opportunity.
“Gusto ko na po kasi lately china-challenge ‘yung sarili ko pagdating sa mga ganyan para hindi laging komportable.
“Ayaw ko po ng nare-relax when it comes to acting kasi that’s the death of an actor. When you just want to do roles na komportable ka. So I want something different,” sabi pa ni Alden.
Sa unang episode (August 5) na may titulong “A Runner to Remember: The Jirome de Castro Story” ay makakatambal niya si Sanya Lopez.
View this post on Instagram
“Ni-request ko po talaga sana makasama ko si Sanya. So ‘yun may gagawin po kaming ‘yun po ‘yung pilot just the first episode sabi ko hindi ko pa siya nakaka-work and nakikita ko ‘yung trabaho niya so, gusto ko sanang tingnan kung how we are, how we work together.”
“Ang role ko po doon is a runner with a condition called cervical dystonia. Dystonia po is involuntary muscle movement. Marathon runner po siya pero mayroon po siyang ganoong klaseng condition. He didn’t let that condition get in the way of fulfilling his dreams,” kuwento ng award-winning Kapuso star.
Sa ikalawang episode naman, bibida siya sa “Epal Dreamboy: The Richard Licop Story” na mapapanood sa August 12, “It’s the story of an influencer. Very now siya since social media personality siya.
“Coming from the title itself, medyo hindi nagugustuhan noong mga tao ‘yung mga pinapakita niya sa mga social media accounts niya na malaki ‘yung nagiging epekto sa kanya,” aniya.
Para sa ikatlong episode, mapapanood ang “The Lost Boy” sa August 19, “Ang story naman noon is parang minsan akala natin our relatives mean well sa pagtulong pero at the end of the day, we realize na ginagamit na pala nila tayo sa mga maling bagay.”
At ang ikaapat ay ang “Sa Puso’t Isipan” na ipalalabas sa August 26, “May mental illness ang kanyang mga magulang and kapatid so siya ‘yung nag-aalaga. Surprise po kung ano ‘yung magiging epekto nito sa kanya. I think that would be one of my most favorite episodes to do, ‘yung with mental illness na family.”
Pahayag pa ni Alden sa pagbibida niya sa month-long special ng “MPK,” “It’s very challenging kasi contrast sila sa isa’t isa. Walang similarites ‘yung mga roles. I think as an actor, I’m looking for something that’s not the usual.
“Marami na rin po akong nagawang mga projects and siyempre doon tayo sa laging nare-reinvent ‘yung point of view ko pagdating po sa trabaho ko bilang aktor,” dugtong ng actor-TV host.
Napapanood ang “Magpakailanman” tuwing Sabado, 8:15 p.m. sa GMA 7.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.