Alden umaming natakot sa unang pagkikita nila ni Sharon: 'Intimidation is there, Megastar po, eh' | Bandera

Alden umaming natakot sa unang pagkikita nila ni Sharon: ‘Intimidation is there, Megastar po, eh’

Ervin Santiago |July 17,2023
facebook
share this

Alden umaming natakot sa unang pagkikita nila ni Sharon: ‘Intimidation is there, Megastar po, eh’

Ervin Santiago - July 17, 2023 - 07:56 AM

Alden umaming natakot sa unang pagkikita nila ni Sharon: 'Intimidation is there, Megastar po, eh'

Alden Richards at Sharon Cuneta

NA-INTIMIDATE pala si Alden Richards nu’ng una silang magkita ni Megastar Sharon Cuneta para sa pelikula nilang “A Mother And A Son’s Story.”

Yan ang inamin ng Asia’s Multimedia Star sa interview sa kanya ng “Fast Talk with Boy Abunda,” nang mapag-usapan ang naging experience niya sa shooting ng bago niyang pelikula.

Sey ni Alden totoong nakaramdam siya ng “takot” sa unang pagkikita nila ni Mega lalo na noong sumalang na sila sa shooting at kunan ang kanilang first scene.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Tanong ni Tito Boy kay Alden, “Mayroon kang pelikula kasama ang nag-iisang Megastar Sharon Cuneta. First time to work with the Megastar, how was it?”

Sagot ng Kapuso actor, “Intimidation is there, Tito Boy. Megastar po, eh.”

“Paano mo nalampasan iyong takot na ‘yon?” sundot na tanong ng award-winning TV host.

“Parang day 1 pa lang po na magkasama kami, when we first met for the workshop, for the movie po, parang all the walls are already break but siyempre iba pa rin po iyong nasa likod po kami ng camera, we can be ourselves,” sabi ni Alden.

Patuloy na paglalarawan ng binata kay Sharon, “Si Mama kasi po, kapag nasa stand-by area po kami or hindi pa nagro-roll iyong camera niya, you can be (yourself) around her. That’s how she makes me feel.”

Nauna rito, proud na ibinahagi ni Mega ang palitan nila ng mensahe ng kanyang “bagong” anak na si Alden na sobrang nag-alala nang malamang masama ang kanyang pakiramdam.

Baka Bet Mo: Sharon nakatagpo ng ‘kuya’ para sa 3 anak sa katauhan ni Alden: ‘He truly is like my own son’

Ayon kay Sharon, humingi muna siya ng pahintulot sa Kapuso matinee idol bago ipinost sa kanyang IG page ang naging convo nila aktor. Aniya, feel na feel niya ang sincerity ni Alden sa ipinaramdam nitong pagmamalasakit sa kanya.

“Been resting and now hoping to see my doc tomorrow,” ang bahagi ng caption ni Ate Shawie sa kanyang IG post kung  saan makikita nga ang screenshot ng message sa kanya ni Alden.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“He is really so sweet and mabait. What a blessing my Alden is to me and all of us on our set!” sabi pa ni Mega na kahit masama ang pakiramdam ay pumunta pa rin sa shooting ng “A Mother and Son’s Story.”

“I went to shooting the other day even if I woke up not feeling well, but after one scene with @jackielou.blanco and lunch, umuwi na ako kasi she and Direk Nuel (Naval) didn’t want me na to push it at halos sign language na kami noon!

“I miss shooting and my A Mother and Son’s Story family so much!” sey pa ni Sharon.

Isa sa mga official entry sa 2023 Metro Manila Film Festival ang “A Mother and Son’s Story” na magsisimula sa December 25. Kasama rin sa pelikula sina Miles Ocampo, Tonton Gutierrez, at Jackie Lou Blanco.

Nauna rito, sinabi ni Sharon na parang tunay na anak na talaga ang turing niya kay Alden kahit sa maiksing panahon pa lamang ng kanilang pagsasama.

Ayon naman kay Alden, mabilis talaga silang naging close ni Sharon, sa katunayan birth certificate na lang daw ang kulang para tuluyan na silang maging magnanay.

Sharon, Alden sumabak na sa shooting ng ‘A Mother & Son’s Story’, wish ng fans: ‘Sana makapasok sa MMFF 2023!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alden Richards pasok na sa mga anak-anakan ni Sharon sa showbiz: ‘We are now so bonded, and my three younger children now have a Kuya!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending