Jam Ignacio nag-sorry na kay Jellie Aw: Mahal na mahal kita!

Jam Ignacio at Jellie Aw
NAG-SORRY na si Jam Ignacio sa kanyang fiancée na si Jellie Aw matapos niya umano itong bugbugin sa loob ng kanilang sasakyan.
Pinagsisisihan na raw ni Jam ang nagawa niyang pananakit kay Jellie kasabay ng paghingi rin niya ng tawad sa pamilya at lahat ng taong nagmamahal sa content creator at DJ.
Sa panayam ng GMA kay Jam, nagpahiwatig ito na gusto pa rin daw niyang matuloy ang pagpapakasal nila ng kanyang girlfriend.
Itinanggi rin niya ang balitang nagtatago na siya ngayon sa mga otoridad matapos ang ginawa niyang pambubugbog kay Jellie.
Baka Bet Mo: Jam Ignacio binugbog daw ang fiancé na si DJ Jellie Aw: Ipakukulong kita!
Aniya, naghihintay lang siya ng tamang pagkakataon para harapin ang kasong isinampa sa kanya ni Jellie sa National Bureau of Investigation (NBI).
View this post on Instagram
“Sa mga kapatid, sa mga kaibigan, heto, heto ako, haharap sa inyo, humaharap na humihingi ng taos-pusong sorry, sorry, sobrang sorry lalo na sa family ni Jellie, Ma, sorry Ma.
“Alam niya na mahal na mahal ko si Jellie,” ang pahayag ng ex-partner ni Karla Estrada.
Sabi pa ni Jam, sana’y mabigyan pa siya ng chance na ayusin ang relasyon nila ni Jellie in private.
Pinapangarap pa rin daw niyang makasama habangbuhay ang DJ at bumuo ng sariling pamilya.
Nagsimula lang daw ang lahat sa isang hindi pagkakaunawaan na humantong sa nangyaring insidente. Dala na rin daw siguro ito ng matinding pagod.
“Kumbaga, tao lang din po ako. Napuno lang din siguaro ako, na hindi ko sinasabing tama pero hindi ko para i-tolerate na gawin uli. Humihingi ako ng tawad. Pasensiya na talaga, sorry, sorry sa lahat,” aniya pa.
“Hon, alam mo kung gaano kita kamahal. Alam mo yan kung gaano kita protektahan, bantayan. Sorry sa mga nangyari, pinapangako ko sa yo na hindi na mauulit ito, alam mong mahal natin ang isa’t isa. Mahal na mahal kita,” sabi pa ni Jam.
Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang pahayag si Jellie tungkol sa paghingi ng tawad ni Jam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.