Jam Ignacio binugbog daw ang fiancé na si DJ Jellie Aw

Jam Ignacio binugbog daw ang fiancé na si DJ Jellie Aw: Ipakukulong kita!

Ervin Santiago - February 12, 2025 - 10:50 AM

Vlogger-DJ Jellie Aw binugbog daw ni Jam Ignacio: Ipakukulong kita!

Jam Ignacio at Jellie Aw

BASAG ang mukha ng vlogger at influencer na si Jellie Aw matapos umanong bugbugin ng kanyang fiancé na si Jam Ignacio.

Sa mga hindi pa nakakakilala kay Jam Ignacip, siya ang dating boyfriend ng aktres at TV host na si Karla Estrada.

Ipinost mismo ni Jellie sa kanyang Facebook account ang kanyang mga litrato kung saan makikita ang duguan at bugbog-sarado ang kanyang mukha.

Ang caption ni Jellie sa kanyang FB status, “HAPPY VALENTINES? taena mo Jam Ignacio mapapatay mo ko wala akong ginawang masama para ganituhin moko. Halos mamatay ako sa ginawa mo! papakulong kita!”

Nag-post din ang kapatid ni Jellie na si Jo Aw sa FB ng iba pa niyang photos na halos pikit na ang mata at putok ang bibig dahil sa tinamong sugat sa mukha.

Baka Bet Mo: Karla boldyak sa fiancée ng ex-BF: Nanahimik ako! Wag mo damay work ko!

Aniya sa caption, “BIGLA NA LANG PINAG SASAPAK, BINUGBOG HABANG PAUWI ATE KO, WALANG KALABAN LABAN SA LOOB NG NAKALOCK NA SASAKYAN

“Una sa lahat kung ano man ginawa ng ate ko wala kang ni anong karapatan dampian ng kamay yung ate ko. ang kapal naman ng mukha mo JAM IGNACIO.

“Ni hindi makahingi ng tulong ate ko dahil kunuha mo yung cellphone, Buti na lang hindi nabasa yung RFID sa toll at nakasigaw yung ate ko pag baba ng bintana at nakahingi ng tulong sa TELLER sa toll gate, ngayon tinakbuhan mo yung mga pulis!

“Wala kang awa!! Demonyo!

“Update po kay ate magpapamedical na kami ngayon !nd magrereport na sa pulis!” ang buong pahayag ng sister ni Jellie.

Samantala, ni-repost naman ng content creator at host na si Ogie Diaz ang post ng kapatid ni Jellie sa kanyang Facebook page.

Mababasa sa caption ni Mama Ogs, “Grabe! Buti na lang, nawalan ng laman ang RFID, kaya nakahingi ng tulong si Ate sa toll gate teller.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ayoko namang mag-judge, pero Jam Ignacio, harapin mo ito.  O, doon sa mga women’s rights advocates nating mga tumatakbo diyan, baka pwede n’yong matulungan si ate. Eto na ang right timing na hinihintay n’yo,” aniya pa.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang pahayag si Jam Ignacio hinggil sa isyung ito. Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ng binata.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending