Ex-BF ni Karla mas proud sa bagong dyowa: I promise I'll love you

Ex-BF ni Karla mas proud daw sa bagong dyowa: I promise I’ll love you

Ervin Santiago - October 02, 2024 - 12:05 AM

Ex-BF ni Karla mas proud daw sa bagong dyowa: I promise I'll love you

Jellie Aw, Jam Ignacio at Karla Estrada

HANGGANG ngayon ay palaisipan pa rin sa mga tagasuporta ni Karla Estrada kung bakit sila nagkahiwalay ng dati niyang boyfriend na si Jam Ignacio.

Parehong hindi nagsalita ang dating magdyowa tungkol sa kanilang breakup pero ang kumalat na chika ay dahil hindi raw compatible ang dalawa bilang couple.

May mga nagkokomento naman na dahil daw nakahanap ng mas bata at mas sexy si Jam kaya hiniwalayan umano nito si Karla Estrada.

Marami kasi ang nagre-react sa mga social media post ngayon ni Jam kasama ang kanyang bagong girlfriend, ang DJ na si Jellie Aw.

Baka Bet Mo: Karla handang-handa nang maging lola sa magiging anak nina Daniel at Kathryn; nilinaw ang chikang ikinasal na sa non-showbiz dyowa

Reaksyon ng netizens, tila mas open at mas proud daw ngayon ang binata sa relasyon nila ng DJ kung ikukumpara noong magdyowa pa sila ng nanay ni Daniel Padilla.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jam Ignacio (@jamignacio)


Kahapon, October 1, ibinandera uli ni Jam sa kanyang Instagram page ang mga sweet photos nila ni Jellie, kabilang na ang picture kung saan nakayakap ang binata kay Jellie habang kasama ang ilan nilang mga kaibigan.

Sa isang IG reel naman kung saan makikitang nasa loob ng kotse ang magdyowa, ay mababasa ang caption mula sa lyrics ng kantang “Forever and Ever and Always” ng singer mula sa Ireland na si Ryan Mack.

Bahagi ng lyrics ng kanta, “I promise, I’m yours, always and forever.

“Through the good and the bad, for worse or for better

“I wanna be with you, for the rest of my days

“I promise I’ll love you.”

Last July, 2024, nag-unfollow sa isa’t isa sina Jam at Karla sa Instagram kasabay ng pagbura sa lahat ng photos nila na magkasama.

Makalipas ang isang buwan ay nag-post na si Jam ng mga photos nila ng pinaniniwalaang bago niyang dyowa. Wala siyang nilagay na caption dito.

Matatandaang sinabi ni Jam sa isang panayam noong 2020, na nakikita na raw niya ang sarili na kasama si Karla for the rest of his life.

Para sa kanya pang-forever na ang kanilang pagmamahalan, “Sa akin, ‘yun ang nakikita ko.”

Reaksyon naman ni Karla, “Ako, wala akong mapaglagyan ng saya dahil matagal na natin itong hinintay, idinarasal. So you know everything is lifted up to God.

“Ang mga anak namin eventually kapag lumaki ay may kanya-kanyang pamilya. Might as well tumanda ako hanggang matapos ang buhay ko ay kasama ko ‘yung taong totoong mahal ko at aalagaan ako.

“So ‘yun lang ang dasal na sana ito na ang maging huli, ito na ang huli, itong taong ito,” sabi pa ni Karla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dito na nga nangako si Jam sa mga anak ni Karla na aalagaan at poprotektahan niya ang girlfriend.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending