Pagpapatotoo ni Cherry Pie nang tamaan ng COVID: Masakit sa katawan, sa ulo, sa lahat... | Bandera

Pagpapatotoo ni Cherry Pie nang tamaan ng COVID: Masakit sa katawan, sa ulo, sa lahat…

Ervin Santiago - April 13, 2021 - 03:17 PM

NAGDETALYE ang award-winning character actress na si Cherry Pie Picache sa hirap at sakit na pinagdaanan niya noong mahawa rin siya ng COVID-19.

Tulad ng ibang tinamaan at gumaling sa nakamamatay na virus,  napakarami ring natutunan ng aktres at talagang napatunayan kung gaano kahirap ang magkaroon ng COVID.

Inilarawan pa niya ito bilang isa sa “toughest moments of my life” at nagpapasalamat siya sa Diyos dahil naka-survive rin siya.

“Mahirap talaga ‘yung pinagdaraanan natin ngayon but there’s no other way but to really keep our faith alive and look at the brighter side,” simulang pahayag ni Cherry Pie sa finale presscon ng Kapamilya series na “Walang Hanggang Paalam” kagabi.

“Yung pinagdaraanan nating pandemic hanggang ngayon, alam natin na mahirap and heartbreaking but nu’ng nagkasakit ako, only because siguro iba-iba yung tama ng COVID sa iba-ibang tao, doon ko talaga naramdaman that it’s real, it’s hard and difficult.

“Nu’ng una wala ako masyadong sintomas na nararamdaman but as the days went on, it was very difficult. Masakit sa katawan, sa ulo, sa lahat.

“Nag-develop din ako ng pneumonia. But the miracle is…with all the pneumonia and everything, I wasn’t hospitalized. Naka-monitor ako with my doctors. Wala siyang gamot so dapat talaga palakasin ang immune system ng tao. Talagang wala kang kakapitan kundi ang Diyos,” lahad ng aktres.

Habang kausap ang members ng media, inamin niyang hindi pa siya totally nakaka-recover sa kanyang pinagdaanang laban kontra-COVID.

“Kaya naman kapag sa bahay lang pero mahirap. Hanggang ngayon, nagpapalakas pa kasi parang hindi pa nasa normal yung katawan talaga so talagang dapat palakasin. Tapos siyempre kailangan tuloy ang buhay. Dapat you have to continuously prepare when you go out,” dagdag pa niya.

Kasunod nito, ipinahayag din ni Cherry Pie na mas tumaas pa ang respeto niya sa mga OFWs matapos mawalay sa pamilya dahil sa lock-in taping.

“Isa kami sa unang nag-taping sa panahon ng pandemya. Bukod sa hirap noon, sa protocols and condition sa pagtatrabaho, ngayon iba na rin yung puso ko para sa OFW na malayo sa pamilyang nagtatrabaho. Ganu’n pala yung pakiramdam,” sabi pa ng aktres.

* * *

Susuungin nina Emman (Paulo Avelino) at Celine (Angelica Panganiban) ang lahat ng balakid mabuo lang ang kanilang pamilya at makapiling muli ang anak na si Robbie sa huling linggo ng “Walang Hanggang Paalam” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Matapos ang mga hamong sumubok sa kanila, buo na ang pag-ibig at tiwala nina Emman at Celine sa isa’t isa para magkasamang hanapin si Robbie, kahit wala pa silang kasiguruhan kung buhay pa nga ito.

Parehong aksyon at drama naman ang dapat na abangan sa huling linggo ng serye sa nakatakdang paghaharap nina Emman at Leo (Tonton Gutierrez) pati nina Celine at Amelia (Cherry Pie Picache) sa kanya-kanya nilang pakikipaglaban para sa kanilang mga anak at pamilya.

Habang tuluyan nang ilalaglag ni Leo si Amelia at ibubunyag ang mga kasalanan nito, sisiguraduhin naman ni Anton (Zanjoe Marudo) na mapapakanya sa huli si Celine dala ng kahibangan.

Sa kabila naman ng lahat ng ito, magiging kakampi nina Emman at Celine si Sam (Arci Muñoz) para pagbayarin ang magkapatid sa kanilang mga kasalanan.

Makasama pa kaya nina Emman at Celine ang kanilang anak? Mapanagot na kaya ng batas sina Anton at Amelia?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Panoorin ang “Against All Odds” finale ng “Walang Hanggang Paalam” ngayong linggo sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending