Mel, Vicky, Emil naki-Paskong Pinoy sa mga GMA stars

Mel, Vicky, Emil naki-Paskong Pinoy sa GMA stars; Kuya Kim may bagong work

Ervin Santiago - November 26, 2024 - 07:58 AM

Mel, Vicky, Emil naki-Paskong Pinoy sa GMA stars; Kuya Kim may bagong work

Emil Sumangil, Mel Tiangco, Vicky Morales, Dennis Trillo at Jennylyn Mercado

TIMEOUT muna sa paghahatid ng balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang nagpa-feel ng Paskong Pinoy sa mga Kapuso via GMA’s 2024 Christmas Station ID, ang  “Ganito Ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat.”

Makikita sa video na masayang nakiki-bonding sa mga Kapuso stars ang mga personalidad mula GMA Integrated News at GMA Public Affairs, sa pangunguna nina Jessica Soho, Arnold Clavio, Vicky Morales, Howie Severino, Emil Sumangil at Mel Tiangco.

Marami ngang netizens ang natuwa nang makita silang nag-eenjoy at feel na feel ang Christmas vibes sa kabila ng kanilang napakahirap at peligrosong trabaho.

Baka Bet Mo: Vicky Morales nagbigay ng 3 tips para sa mga gustong maging broadcast journalist

Tila ba ibang imahe ang nakita ng sambayanang Filipino dahil madalas silang makitang seryosong nag-uulat ng mahahalagang balita sa telebisyon.

Panoorin ang happy at makukulit na moments ng mga batikang mamamahayag ng GMA sa 2024 Christmas Station ID na “Ganito Ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat.”

* * *

Join na rin ang TV host, triathlete, at wellness-biodiversity advocate na si Kim Atienza sa mga Kapuso stars na nakikipaglaban kontra piracy. Siya ngayon ang latest Anti-Piracy Ambassador.

Present sa oath-taking ceremony ni Kuya Kim bilang Anti-Piracy Ambassador ng GMA Network sina GMA First Vice President and Head of International Operations Joseph Francia, First Vice President for Legal Affairs Atty. Lynn Delfin, Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) Director General Atty. Rowel Barba, at Deputy Director General Atty. Ann Claire Cabochan.

Ayon kay Francia, “His experience and credibility make him the perfect advocate to bring awareness to the importance of intellectual property protection. With his voice, we believe that this campaign will reach more audiences far and wide, here and abroad, and in different age groups.”

As the latest Anti-Piracy Ambassador of GMA, Kuya Kim will take part in its ongoing “Stream Responsibly, Fight Piracy” campaign. He will join fellow ambassadors Primetime Action Hero Ruru Madrid, Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, Kapuso Ultimate Heartthrob Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano, and Rafael Landicho.

Kuya Kim expressed gratitude in his new role following his oath-taking, “Isang malaking karangalan na ako’y napili.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Dapat magsama-sama, dapat magtulong-tulong. Napakaganda ng kampanya ng GMA at IPOPHL dahil it could be preventive…puwedeng magbigay ng impormasyon kung bakit masama, bakit hindi dapat gawin, at hindi dapat mag-stream (illegally),” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending