Mike Enriquez binigyang-pugay sa GMA Christmas Station ID 2023; Kapuso stars muling nagsama-sama para sa Paskong Pinoy | Bandera

Mike Enriquez binigyang-pugay sa GMA Christmas Station ID 2023; Kapuso stars muling nagsama-sama para sa Paskong Pinoy

Ervin Santiago |November 07,2023
facebook
share this

Mike Enriquez binigyang-pugay sa GMA Christmas Station ID 2023; Kapuso stars muling nagsama-sama para sa Paskong Pinoy

Ervin Santiago - November 07, 2023 - 06:30 AM

Mike Enriquez binigyang-pugay sa GMA Christmas Station ID 2023; Kapuso stars muling nagsama-sama para sa Paskong Pinoy

Mike Enriquez, Carla Abellana, Gabby Concepcion, Angel Guardian, Kelvin Miranda at Faith Da Silva

BUMANDERA na kamakalawa (November 5) ang GMA Christmas Station ID na may temang #FeelingBlessedNgayongPasko.

Bukod sa touching stories ng pagiging blessing sa kapwa, tampok din sa CSID ang mga naglalakihang artista at mga bagong karakter na susubaybayan ng mga Kapuso.

Kabilang diyan ang mga bida ng “Stolen Life” na sina Carla Abellana at Gabby Concepcion. Dapat ding abangan si Beauty Gonzalez sa naturang serye na magsisimula na sa GMA Afternoon Prime this November 13.

Naghatid din ng good vibes sa Christmas video ng GMA ang mga bagong Sang’gre na sina Bianca Umali, Faith Da Silva, Kelvin Miranda, at Angel Guardian.

Mapapanood din sa Christmas Station ID ang cast ng “Shining Inheritance” na sina Kate Valdez, Kyline Alcantara, Michael Sager, Roxie Smith, at Ms. Coney Reyes.

Ipinasilip din sa CSID ang bigating cast ng “Lilet Matias: Attorney-at-Law” na sina Jo Berry, Maricel Laxa, Sheryl Cruz, Rita Avila, Jason Abalos, EA Guzman, at Analyn Barro.

Mula naman sa upcoming series na “Asawa Ng Asawa Ko,” nagsama-sama sina Jasmine Curtis-Smith, Rayver Cruz, Liezel Lopez, Crystal Paras, at Martin del Rosario para magpaabot ng Christmas feels.

Baka Bet Mo: Julie Anne ipinadama ang diwa ng Pasko sa ‘Love is Us this Christmas’ lyric video ng GMA; bagay na bagay na Maria Clara

Samantala, muling inalala ng Kapuso Network ang batikang broadcaster na si Mike Enriquez sa GMA Christmas Station ID 2023.

Tampok sa temang #FeelingBlessedNgayongPasko ang mga taong nagsilbing blessing sa kanilang kapwa. Kabilang na riyan ang namayapang mamamahayag na si Mike Enriquez na isa pala sa pinakamalaking donors ng National Shrine of Our Lady of the Abandoned sa Sta. Ana, Manila.

Bukod sa pagiging tapat at mahusay na haligi ng industriya ng pamamahayag at brodacasting, tahimik ding tumutulong noon si Mike sa mga nangangailangan.

Talaga namang inspiring at full of love ang Christmas Station ID ng Kapuso Network na humihikayat sa lahat na gumawa ng kabutihan at maging biyaya sa ibang tao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Siyempre, bidang-bida rin sa GMA Christmas Station ID 2023 na napapanood na sa official social media accounts ng Kapuso Network, sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Heart Evangelista, Alden Richards, Bea Alonzo, Dennis Trillo at iba pang Big stars ng Kapuso Network.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending