Vice Ganda waley sa 2022 ABS-CBN Christmas Station ID, may issue ba?
MARAMI ang nagtatanong at nagtataka kung bakit wala ang Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda sa ABS-CBN Christmas Station ID ngayong taon.
Sa inilabas na Pamaskong station ID ng Kapamilya network ay maraming viewers ang nakapansin na wala rito ang Unkabogable Star na si Vice Ganda.
Halos lahat ng naglalakihang Kapamilya stars ay nasa Christmas Station ID, kabilang na sina Sharon Cuneta, Piolo Pascual, Ogie Alcasid, Kim Chiu, Moira dela Torre, Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Sarah Geronimo, Gary Valenciano at Martin Nievera.
Nandoon din ang mga pambatong loveteams ng ABS-CBN tulad ng DonBelle (Donny Pangilinan at Belle Mariano), KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla), Seth Fedelin at Francine Diaz, at KD Estrada at Alexa Ilacad.
Ka-join din sa bagong Christmas Station ID ng ABS-CBN ang “Darna” stars na sina Jane de Leon, Joshua Garcia at Janella Salvador.
View this post on Instagram
Ang title ng Christmas song na ginamit sa bagong Station ID ay ang “Tayo Ang Ligaya Ng Isa’t Isa” na isinulat ng creative director ng ABS-CBN Music na si Jonathan Manalo.
Mapapanood sa lyric video ng “Tayo Ang Ligaya Ng Isa’t Isa” na mapapanood nasa YouTube channel ng Kapamilya station ang star-studded cast ng kanta.
Pero kapansin-pansin nga na wala si Vice sa naturang Christmas station ID ng ABS-CBN.
“Bakit kaya wala si Vice sa CMAS ID?” ang tanong ng isang netizen.
Sabi naman ng isa pang fan ng “Showtime”, “Dapat kasali ang it’s showtime cast sa CSID 2022!”
“Waley na naman si Vice sa Station ID. May issue ba Meme? Abangers pa naman kami sa pasaboy mo.”
Wala pang opisyal na pahayag si Vice Ganda hinggil sa isyung ito pero base sa latest post niya sa Twitter, katatapos lang niya sa shooting para sa MMFF 2022 entry nila ni Ivana Alawi.
Matatandaang halos dalawang linggong absent si Vice sa “It’s Showtime” pero pangako niya makakasama siya sa “Magpasikat 2022” anniversary special ng kanilang noontime program.
‘Love is Us’ 2022 Christmas Station ID ng GMA kaka-goosebumps: ‘Miss na miss na namin kayong lahat!’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.