Valentine Rosales basag na basag kina Rommel Galido at JP dela Serna: Ewwwww! Cheap mo girl! | Bandera

Valentine Rosales basag na basag kina Rommel Galido at JP dela Serna: Ewwwww! Cheap mo girl!

Ervin Santiago - March 16, 2022 - 04:11 PM

Rommel Galido, Valentine Rosales at JP dela Serna

Rommel Galido, Valentine Rosales at JP dela Serna

INALMAHAN ng dalawa sa tinaguriang “Top 5” boys sa kontrobersyal na Christine Dacera case na sina Rommel Galido at JP dela Serna ang pagpapakalat umano ng fake news ng kasamahan nilang si Valentine Rosales.

Tulad ng iba pang nakakakilala kay Valentine, hindi rin nagustuhan nina JP at Rommel ang pagsisinungaling nito para lang mapag-usapan at magpasikat.

Ayon sa ilang netizens, baka raw kulang pa ang nakuhang publicity ni Valentine noong akusahan at maabsuwelto sa mga reklamong kinaharap ng kanilang grupo.

Ayon sa desisyon ng piskalya, inosente sina JP, Rommel, Valentine at dalawa pa sa pagkamatay ng 23-year-old flight attendant na si Christine Dacera.

At nito ngang nagdaang Lunes, March 14, kaliwa’t kanang batikos ang inabot ni Valentine matapos maglabas ng open letter sa social media at nagpakilalang tagasuporta ni presidential candidate Leni Robredo.


Ang kuwento ni Valentine, kitang-kita raw niya ang isang lalaking nagnakaw ng tumbler sa 7-11 sa Alimall, Cubao. Ang tinutukoy niya ay ang tumbler na may mukha ng mga presidential candidate na ibinebenta sa nasabing convenience store.

Ayon kay Valentine, bumili raw siya ng tumbler na may mukha ni Robredo habang ang tinutukoy niyang magnanakaw ay kumuha ng tumbler na may mukha ni Bongbong Marcos.

“Masama po mag nakaw kailangan po natin bumoto ng leader na may prinsipyo at di nag nanakaw,” ani Valentine sa kanyang post gamit ang hashtag na “#kakampink”.

Pero ang twist ng kuwento, may mga netizen na nambasag kay Valentine at naglabas pa ang mga ito ng resibo na nagpapatunay na ang 7-11 branch sa Alimall Cubao ay sarado pa rin hanggang ngayon.

Dito na binanatan ng netizens si Velentine at inakusahan pa siyang pakawala raw ng isang grupo para magkalat ng black propaganda laban kay VP Leni.

Ngunit sa halip na matakot at maalarma, mukhang ine-enjoy pa ni Valentine ang isyu matapos siyang mag-trend ito sa Twitter. Talagang ipinost pa niya sa Instagram Stories ang screenshot ng kanyang pangalan na number one nga sa trending topic ng Twitter.

Dahil nga rito kaya nagsalita na rin sina JP dela Serna at Rommel Galido. Sa Instagram Story, sinabi ni JP na na-bad trip siya sa pinaggagagawa ni Valentine. Pati raw ang Christine Dacera case ay ginagamit nito para magpasikat.

“This is the 1st time that i’ll be posing my anger and disappointment on you. Firstly, if you’re enjoying the clout while being bashed by so many people around you, then so be it.

“But don’t use the fame that you’ve got from the bad incident that happened before cause in reality you do not belong to the real circle of friends, you were only a visitor that night.

“Everyone is now at peace and we’re getting busy with our own lives by moving forward.”

“If creating stories or rumors is your hobby in life just for you to be noticed please don’t use the dacera case cause our friend is at peace. She’s not your friend just to reiterate.

“Stop being a famewhore because again you only got noticed by people in a bad way at tatagalugin ko hindi sya magandang image kasi may taong NAMATAY itatak mo yan sa brain mo,” ang mensahe pa nito kay Valentine.

Ayon naman kay Rommel, “Maniwala sana ako sa 7/11 Drama mo kung hindi kita kilala. Kaso kilala ko buong pagkatao mo eh. Kaya hindi benta sa akin ang 7/11 Drama mo.”

“EW! Cheap mo girl sa ginagawa mong stories taasan mo naman standard mo sa buhay. Sorry val but you deserve this,” pambabasag pa niya kay Valentine.

Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ni Valentine sa isyung ito.

https://bandera.inquirer.net/306424/jericho-rosales-ibinandera-ang-bagong-bahay-sa-new-york-anong-oras-dadaan-ang-taho

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/282061/janine-mas-pipiliin-ang-walang-pumunta-sa-kasal-kasi-ang-sad-kung-nobody-show-up-to-my-funeral
https://bandera.inquirer.net/292555/true-ba-yen-santos-may-non-showbiz-boyfriend-daw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending