Chie Filomeno ipinagluluksa ang pagkamatay ni Matty: Wala nang mangungulit at uutusan akong kunin yung bola niya... | Bandera

Chie Filomeno ipinagluluksa ang pagkamatay ni Matty: Wala nang mangungulit at uutusan akong kunin yung bola niya…

Ervin Santiago |August 28,2022
facebook
share this

Chie Filomeno ipinagluluksa ang pagkamatay ni Matty: Wala nang mangungulit at uutusan akong kunin yung bola niya…

Ervin Santiago - August 28, 2022 - 10:01 AM

Chie Filomeno nagluluksa sa pagpanaw ni Matty

Chie Filomeno at Matty

IPINAGLULUKSA ng Kapamilya sexy actress-model na si Chie Filomeno ang pagkamatay ng kanyang alagang aso.

Inamin ng dalaga na napakahirap tanggapin na wala na ang pinakamamahal niyang pet dog na si Matty na namaalam na nga nitong August 26.

Abot-langit ang pasasalamat ng leading lady ni Kyle Echarri sa digital iWantTFC series na “Beach Bros” kay Matty na nakasama rin niya nang mahabang panahon.

Sabi ng dalaga, talagang hinintay pa raw ng alaga niyang aso ang kanyang kaarawan bago ito tuluyang pumanaw.

Nagbahagi si Chie sa kanyang Instagram account ng mga litrato nila ni Matty kalakip ang mensahe ng pamamaalam sa alagang aso na talagang itinuring na niyang parang tunay na anak.

View this post on Instagram

A post shared by C H I E (@chiefilomeno)


“I didn’t know angels came with four paws till I met you Mattyboo, thank you for completing our home and thank you for completing me.

“Si Matty kahit hindi ako umiyak alam niya kapag malungkot ako at alam niya paano ako pasayahin kahit matampuhin siya kasi madalas ako wala sa bahay but he still never fails to put a smile on my face,” pahayag ng aktres.

Dagdag pa niya, “Wala ng mangungulit at uutusan ako kunin yung bola niya. You’re so strong Matty, inantay mo pa din birthday ko.

“Grabe no words can describe how painful it is to lose you but I know you’re no longer in pain now. Mahal na mahal kita Matmat. Run free,” lahad pa ni Chie.

Sa isa pa niyang post sa IG Story, makikita ang favorite photos at video clips na ginawa nila ni Matty noong nabubuhay pa ito.

“Til your last breath you made sure I’m perfectly fine…To the best golden retriever in the world may the doggo heaven give you lots of tennis balls and Zert strawberry shortcake treats you deserve Mattyboo,” pahayag pa ni Chie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa comments section ng IG post ni Chie bumuhos ang mensahe ng pakikiramay mula sa kanyang fans at kaibigan sa showbiz tulad nina Janine Gutierrez, Maris Racal, Loisa Andalio, Samantha Bernardo, Barbie Imperial, Celeste Cortesi at marami pang iba.

Chie Filomeno tumigil sa pagsasayaw matapos ma-bash dahil sa viral video

Chie Filomeno walang galit kay Madam Inutz: She’s still one of my Big 4

Bianca King ikinasal na sa bayaw ni Iza Calzado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending