Sharon Cuneta dinenay na may 'paborito' sa mga anak, nagsalita sa isyu nina Frankie at KC: Kung sino siyempre 'yung lagi mong kasama... mayroon ka lang mas nakakasundo | Bandera

Sharon Cuneta dinenay na may ‘paborito’ sa mga anak, nagsalita sa isyu nina Frankie at KC: Kung sino siyempre ‘yung lagi mong kasama… mayroon ka lang mas nakakasundo

Therese Arceo - September 15, 2023 - 10:24 PM

Sharon Cuneta dinenay na may 'paborito' sa mga anak, nagsalita sa isyu nina Frankie at KC: Kung sino siyempre 'yung lagi mong kasama... mayroon ka lang mas nakakasundo

NAGSALITA na si Megastar Sharon Cuneta sa isyung kinasasangkutan niya maging ng kanyang mga anak na sina KC Concepcion at Frankie Pangilinan.

Sa nagdaang press conference ng Megastar para sa kanilang darating na concert ng dating asawang si Gabby Concepcion na pinamagatang “Dear Heart” ay naging bukas ito ukol sa isyu ng kanilang pamilya.

Pag-amin ni Sharon, lahat ng kanyang mga anak ay pantay ang kanyang pagmamahal at wala siyang paborito sa mga ito.

“You know what sa Bible nakalagay [na] dapat una ang asawa pero even my husband knows, naturally all my four children know [that] I am a mother first. I always say that. I am a mother first.Kasi based on experience, ang asawa pwedeng mawala pero ang dugo at laman mo, bumaligtad man ang mundo, dugo at laman mo ‘yan.

“Anuman ang… You know what? I don’t play favorites. Some people seem to think [na] favorite daughter ko si Frankie. Hindi. I love all my children equally,” pagbabahagi ni Sharon.

Ngunit sa kabila nito ay ang katotohanang mas nagiging malapit siya sa anak niyang palagi niyang nakakasama.

Pagpapatuloy ni Sharon, “It’s just that, doon lang tayo sa totoo. Kung sino siyempre ‘yung lagi mong kasama, lagi mong katabi, mayroon ka lang mas nakakasundo. And among all my children, ang kaugali ko ay si Frankie.

“Miel is my buddy. Miguel is very… he’s such a gentleman. Ang hindi ko nakikita, si KC.”

Kaya nga raw nasaktan si Sharon nang sabihin ng panganay na anak nag pakiramdam nito na mag-isa siya sa buhay.

“So I would just say this, when she mentions na she’s alone, I feel bad because it was her choice. When she left home at 18 kasi she went to school, siyempre parang kano yung… hindi Filipino ‘yung thinking.

Baka Bet Mo: Sharon naiipit sa isyu nina KC, Kiko at Frankie, pero hindi raw hahayaang tuluyang masira ang pamilya

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Hindi nga bagay ‘yung anak ko dito dahil mukhang European ‘di ba pero since she was 18, pinakita pa niya sa amin ‘yung bibilhin niyang condo, kami ni Kiko. Hindi ko siya mapigilan because I also wanted her to fly— to learn how to live on her own,” lahad ni Sharon.

Aniya, nais niya ring maging magandang halimbawa sa anak na hindi nito kailangan ng ibang tao para mabuhay dahil kaya niyang mag-provide paea sa sarili.

Sey ni Sharon, “And from the time I raised her when Gabby and I separated, she’s two and a half [years old], until she was 18. Ang katulong ko lang sa pagpapalaki dyan, mommy ko or daddy ko pero never ako humingi kahit piso sa mga magulang ko because I wanted to set an example to KC na ang babae, hindi mo kailangan ng lalaki para mabuhay.

“You have to work for your own savings, and so that mayroon kang pagkukunan in case hindi ka makapag-asawa or in case sa kasawiang palad maging fate rin niya ‘yung nangyari sa amin ni Gabby.”

Giit pa ni Sharon, desisyon raw ni KC ang bumukod dahil noon pa man ay palagi naman siyang included sa kanilang pamamahay ng asawang si former Sen. Kiko Pangilinan. Ikinuwento pa nga nito kung gaano sila ka-close noon at ang relasyon nila bilang mag-ama.

“Being alone was her choice. Our house, our home has always included her. Kiko has raised her since she was 9 years old. And they’ve been very close. Shock absorber niya ‘yan, takbuhan niya yan. Yan ang kanyang sounding board kahit minsan may tampuhan kami, si Kiko lagi ang kausap niya,” pagbabahagi ni Megastar.

Nagbigay rin siya ng pahayag ukol sa naging pag-unfollow ni KC sa kanyang stepdad at kapatid.

Sey ni Sharon, “‘Yung pag-a-unfollow alam ko you’re all curious about that, ito na lang sasabihin ko. Like I said in my post, uulitin ko na lang kasi ‘yun lang naman. ‘Di ba sabi niya hindi naman talaga kami perfect? Wala naman e. Wala namang perfect.

“So siguro nagkaroon lang ng konting… Let’s just say iba ang… First of all, among my children, KC is the one that is the most— let’s just say the opposite of me.”

Chika pa niya, ang talagang kaugali ng dalaga ay si Gabby.

“Ang lakas ng dugo ng papa niya. Kaya sila magkasundo because they’re the same. For better or worse, they’re the same,” sabi pa ni Sharon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kabila ng problema ng mag-iina ay marami pa rin ang nag-aabang sa muling pagsasama nilang tatlo sa darating na concert nila na gaganapin sa Oktubre.

Related Chika:
Sharon inakusahang mas paborito si Frankie kesa kay KC; may pamatay na resbak sa bashers

Sharon Cuneta never ginustong hindi sumikat si KC: Kung mayroon mang naglagay no’n sa utak niya, patawarin ka ng Diyos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending