Hugot ni KC sa pagiging anak ni Sharon: 'Ako ang panganay niya, malalaman din ni Mama kung gaano ko siya kamahal pagdating ng panahon' | Bandera

Hugot ni KC sa pagiging anak ni Sharon: ‘Ako ang panganay niya, malalaman din ni Mama kung gaano ko siya kamahal pagdating ng panahon’

Reggee Bonoan |August 31,2023
facebook
share this

Hugot ni KC sa pagiging anak ni Sharon: ‘Ako ang panganay niya, malalaman din ni Mama kung gaano ko siya kamahal pagdating ng panahon’

Reggee Bonoan - August 31, 2023 - 10:21 AM

Hugot ni KC sa pagiging anak ni Sharon: 'Ako ang panganay niya, malalaman din ni Mama kung gaano ko siya kamahal pagdating ng panahon'

Sharon Cuneta at KC Concepcion

IBA ang intindi ng netizens nang mag-post si Sharon Cuneta na nami-miss niya ang anak na si Frankie Pangilinan dahil bumalik na nga ito sa New York City para ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo.

Nasabay kasi ang isyung in-unfollow ng panganay niyang si KC Concepcion ang mag-ama niyang sina dating Sen. Kiko Pangilinan at Frankie sa Instagram.

Ilang araw kasing inaabangan ng netizens ang reaksyon ng Megastar tungkol sa pag-unfollow ng anak, bagkus ay ang pag-alis ni Frankie ang ipinost niya.

At mukhang mainit ang ulo ni Shawie dahil nang punahin siya na mas pinuri niya si Frankie kaysa kay KC ay sinagot niya ng wala raw pakialam ang sinuman sa gusto niyang i-post.

At kagabi ay may post si Sharon sa kanyang Facebook account ng quotes from Peter Pan, “Every kind of love, it seems, is the only one. It doesn’t happen twice.

“And I never expected that you could have a broken heart and love with it too, so much that it doesn’t seem broken at all. I know young people look at me and think my youth seems so far away, but it’s all around me, and you’re all around me.c

Ang caption ng singer-actress sa post niya ay, “From Peter Pan…For one of my four children.”

Sinundan pa ng, “Why can’t you fly now, mother?”

“Because I am grown up, dearest. When people grow up they forget the way.”

“Why do they forget the way?

Baka Bet Mo: Cristy Fermin sa pagrereklamo ni Frankie sa resulta ng eleksyon: Walang utang na loob ang batang to!

“Because they are no longer gay and innocent and heartless. It is only the gay and innocent and heartless who can fly. – J.M. Barrie.”

Ang caption ulit ni Mega sa post niya ng isa pang quote from Peter Pan, “Never, ever let go of that child in you…I have never. (heart with feelings, love and affection emoji).”

Marami namang nakisimpatya kay Mega at halos lahat ay nagkomento ng “mahigpit na yakap,” “we love you mega hanggang dulo”, at “mahal ka namin”.

May kinalaman kaya ang post na ito ni Sharon sa nakaraang panayam ni KC kay Nanay Cristy Fermin sa “Cristy Ferminute” radio show nila ni Romel Chika kung saan naglabas ng saloobin ang dalaga tungkol sa mga hinaing niya sa buhay.

Ang sabi ni KC tungkol sa kanyang mama, “Love na love ko ang mommy ko kahit ano pa ang mangyari, Tita, and mommy ko, kami na ‘yan, eh.

“Bata pa lang ako, best friend ko na ‘yan si Mama and kahit ano pa ang marinig namin pareho at maraming bumubulong ng kung anu-ano about her sa akin and about me sa kanya, ang gusto ko lang sabihin is, ano bang gusto n’yo (bashers), masira kaming magnanay or maging close kaming magnanay?’

“Kasi kung papasok kayo sa buhay namin, ‘wag n’yo kaming ipaghiwalay! You know, sa akin kasi, at the end of the day, magnanay kami, eh. Nagmamahalan kami and dumating kami, Tita, ng mommy ko sa point na nakita niya kung kaya ko ring alagaan ang Mamita (Mrs. Elaine Gamboa-Cuneta) ko po, lola ko, kasama niya (Sharon) kaming dalawa, nag-alaga kay Mamita.

“What more ako sa kanya, ako ang panganay niya! So, meron akong feeling na malalaman din ni Mama kung gaano ko siya kamahal pagdating ng panahon. Wala nang ibang mas puwedeng magmahal sa kanya kung paano ko siya mahalin and hindi man ako asawa, hindi man ako manager, hindi man ako nakatira sa kanya, pero mahal na mahal ko ‘yang nanay ko na ‘yan.

“Hindi ako perfect, nagkakamali ako katulad ng ibang mga anak, ng magulang, but I do my best to…minsan, tahimik na nga lang ako, Tita, kasi gusto ko na lang makita ng tao o ng family ko ang puso ko kung sino talaga ako kesa i-defend ko ‘yung sarili ko kapag may mga tsismis. Kaya mas gusto ko pong tumahimik and time will tell na lang po,” sentimyento ni KC.

Anuman ang pinagdadaanan ng mag-inang Sharon at KC ay sana maayos na nila dahil maraming excited na makita ang dalawa kasama si Gabby Concepcion sa entablado sa upcoming concert ng ex-couple na “Dear Heart.”

Sharon inakusahang mas paborito si Frankie kesa kay KC; may pamatay na resbak sa bashers

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin may banat uli kay Frankie: Mas gusto kong isiping naimpluwensiyahan lang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending