KC in-unfollow sa Instagram sina Kiko at Frankie, may tampuhan yarn? | Bandera

KC in-unfollow sa Instagram sina Kiko at Frankie, may tampuhan yarn?

Ervin Santiago |August 27,2023
facebook
share this

KC in-unfollow sa Instagram sina Kiko at Frankie, may tampuhan yarn?

Ervin Santiago - August 27, 2023 - 11:24 AM

KC in-unfollow sa Instagram sina Kiko at Frankie, may tampuhan yarn?

Kiko Pangilinan, Frankie Pangilinan at KC Concepcion

MAY issue nga kaya sa pagitan ng singer-actress na si KC Concepcion at sa stepfather niyang si Kiko Pangilinan pati na rin kapatid na si Frankie Pangilinan?

Yan ang tanong ng mga fans at Instagram followers ni KC matapos mapansin na hindi na niya umano pina-follow sa Instagram ang mga ito.

At base sa pagtse-check namin, tulad ng reaksyon ng mga netizens, mukhang in-unfollow na rin nina Kiko at Frankie si KC sa IG.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Mas lalo pang uminit ang isyu nang hindi raw nakita si KC sa birthday celebration ni Kiko last August 24 kaya ang feeling ng mga Marites, baka may “tampuhan” daw ang dating senador at si KC.

Bukod dito, may ilang netizens din ang nakapansin na binura na umano ni KC ang mga dati niyang Instagram post para kay Kiko, kabilang na ang Father’s Day message niya last June at birthday greeting last August, 2022.

“Happy Father’s Day dad (Kiko)! Thank you for being present in so many of my milestones in life since you came into my world and married mom. I still wear the pearl necklace you gave me on your wedding day as a reminder of your love,” ang nakasaad sa deleted post ni KC para sa dating Public servant.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin may banat uli kay Frankie: Mas gusto kong isiping naimpluwensiyahan lang

Narito naman ang ilang comments ng netizens sa naturang isyu.

“Anyare kina KC, Sen Kiko and Kakie? May tampuhan yarn? Sana maayos agad bago lumala. Family is Family is Family pa rin. I’m sure magkakabati rin sila kung may issue man.”

“Medyo naaawa ako kay KC parang di na nya alam kung saan lugar nya sa family side ni sharon. Saka parang nahihirapan sya makatagpo ng lalaki to settle down with kasi parang laging may say ang family nya sa side ni sharon sa mga nagiging jowa nya.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“I think KC should grow up and stop putting the blame on her parents’ separate lives/family to how/where she is now. Kasi sa tingin ko naman she’s loved by her parents kahit magkahiwalay sila. Di ko tuloy maipigilan na i-compare sha kay Luis Manzano who turned out great kahit pa magkahiwalay ang parents nya.”

“Ohmeygehs! Hahaha! What’s the tea on this everyone has unfollowed everyone. Miel too pero kc still follows her.”

“Si KC mabait sya, pero as a daughter ayaw nya napagsasabihan. Sya na rin mismo nagsabi sa vlog nya na si Kiko ang tumayong ama nya for the longest time. Oh ngayon what happen? parang may nagsusulsol sa kanya.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang reaksyon sina KC, Kiko, Frankie, at maging si Megastar Sharon Cuneta. Bukas ang BANDERA para sa magiging paliwanag ng mga taong involved.

2 anak ni Kris OK na matapos magkatampuhan: Nakuha sa dasal, pasensya at pagmamahal

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Zoren hindi sinusuyo si Carmina kapag nagkakatampuhan; Jessica haharapin na ang ‘fear of heights’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending