KC muling ibinandera ang love kay Sharon: My first idol, my one and only!
MULING ibinandera ni KC Concepcion ang kanyang pagrespeto at pagmamahal sa kanyang inang Megastar na si Sharon Cuneta.
May espesyal na pa-shoutout ang actress-singer at negosyante kay Mega sa pamamagitan ng kanyang Instagram page para sa 59th birthday nito last January 6, 2025.
Proud na proud na sinabi ni KC sa kanyang message na idol nila ang ina mula noon hanggang ngayon sa kabila ng katotohanang may mga pagkakataong nagkakaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.
Ipinost ni KC ang mga litrato ni Ate Shawie sa kanyang IG account kalakip ang kanyang touching message for her mother dear.
“Happy birthday to the woman who was always my sunshine growing up! (sunflower, sun emoji).
View this post on Instagram
“My first best friend, my first valentine, my secret Santa, my first idol, my one and only!” pahayag pa ni KC.
Kasunod nito, aminado si KC na marami na rin silang pinagdaanang pagsubok kabilang na ang ilang hindi pagkakaintindihan, ngunit palagi raw itong naaayos ni Mega.
Sey pa KC, “We’ve been through a lot together, but like a sunflower, you always manage to turn towards the light… And now, you show me how to do the same (heart emoji).
“I love you, my beautiful Mama. Happy birthday!!! (star emoji) @reallysharoncuneta,” dagdag na mensahe pa ni KC.
Agad namang nagkomento si Sharon sa post ng panganay na anak, “Thank you, my baby. I love you. (heart emoji).”
Nauna rito, ibinalita nga ni KC sa publiko na nagkaayos na sila ni Mega nitong nagdaang Pasko. Nag-post siya sa Instagram noong December 31, 2024 ng mga video nila ni Sharon.
Ang caption ni KC, “Christmas came to me this year. BEST CHRISTMAS EVER!!! Thank you 2024 for bringing my mama and I together again…
“Perfect way to close another year. Love you dear God, your timing is really beautiful! Forever yours, my mama.”
Agad namang nag-react si Sharon sa post ng panganay niyang anak, “Happy New Year my Tutti. I love you very much!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.