Cristy Fermin may banat uli kay Frankie: Mas gusto kong isiping naimpluwensiyahan lang | Bandera

Cristy Fermin may banat uli kay Frankie: Mas gusto kong isiping naimpluwensiyahan lang

Therese Arceo |May 25,2022
facebook
share this

Cristy Fermin may banat uli kay Frankie: Mas gusto kong isiping naimpluwensiyahan lang

Therese Arceo - May 25, 2022 - 08:10 PM

Cristy Fermin may banat uli kay Frankie: Mas gusto kong isiping naimpluwensiyahan lang

MULING naging sentro ng usapan nina Cristy Fermin kasama sina Romel Chika at Morly Alinio sa show nitong “Showbiz Now Na!” ang anak ni Megastar Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan.

Natalakay kasi nila nag naging resulta ng nangyaring eleksyon noong May 9 kung saan nanguna sa bilang ng boto si Bongbong Marcos.

Ani ‘Nay Cristy, labis siyang nagtataka sa naging reaksyon ni Frankie sa resulta ng halalan at sinabing hindi ito makapapayag na “Ferdinand Marcos” ang maging pangalan ng susunod na presidente ng Pilipinas.

Ayaw raw pangunahan ng showbiz columnist ang mga magulang ni Frankie pero nais lamang daw niyang magpakatotoo dahil naaawa siya kay Megastar.

“Meron po akong sasabihin, na magpapakatotoo lang po ako sa aking sarili. Pero ayaw ko pang magsalita nang tapos. Ayaw ko rin pong mamahiya ng kapwa ko… may karapatan ang magulang na idiretso ang mga pag-uugali ng anak.

“Naaawa ako kay Sharon Cuneta. Hindi lang dahil kay Kakie. Sa sobrang galit ng ating mga kababayan dahil sa mga pinaggagawa… sa kanya ngayon,” saad ni ‘Nay Cristy.

Nagtataka rin ang mga ito kung bakit ganoon ang naging ugali ni Frankie samantalang maayos naman daw ang ugali ni Megastar.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kakie (@frankiepangilinan)

“Kaya nga sabi nila, kung ano ang naririnig sa magulang, tinutularan daw ng mga anak. Pero hindi pa rin ako makakapayag, masukal sa loob ko na si Sharon pababayaan ang anak na maling mali na ang ginagawa, padadaanin pa. Ito-tolerate pa,” sey ni ‘Nay Cristy.

Dito nga ay pumasok na baka hindi naman daw kay Sharon nagmana ang anak kung hindi sa ama nitong si Kiko Pangilinan.

“Ako ay nalulungkot para kay Sharon Cuneta dahil marami siyang kakaining salita na binitiwan noon tungkol kay Kakie tapos ito pala yung ipinagmamalaki niyang anak,” pagpapatuloy ni ‘Nay Cristy.

Pahayag nila, ang mga sinasabi lamang nila ay mula lamang sa mga nababasa at napapanood nila.

Maaari rin daw na dahil sa kinagisnang kapaligiran rin nakuha ni Frankie ang kanyang naging ugali lalo na at nag-aral sa ibang bansa kung saan liberated ang mga tao at vocal ang nga ito sa kanilang paniniwala.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Sharon emosyonal sa b-day message kay Frankie: I feel so privileged to have been chosen by God to be your mother

Cristy Fermin sa pagrereklamo ni Frankie sa resulta ng eleksyon: Walang utang na loob ang batang to!

Frankie nilait-lait na naman ng basher: Nakakapagod na po, minsan pa nga nakakasira ng araw o buong linggo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending