Cristy Fermin sa pagrereklamo ni Frankie sa resulta ng eleksyon: Walang utang na loob ang batang to! | Bandera

Cristy Fermin sa pagrereklamo ni Frankie sa resulta ng eleksyon: Walang utang na loob ang batang to!

Therese Arceo |May 17,2022
facebook
share this

Cristy Fermin sa pagrereklamo ni Frankie sa resulta ng eleksyon: Walang utang na loob ang batang to!

Therese Arceo - May 17, 2022 - 03:49 PM

Cristy Fermin sa pagrereklamo ni Frankie sa resulta ng eleksyon: Walang utang na loob ang batang to!

NAGLABAS ng pahayag ang kolumnistang si Cristy Fermin ukol sa nabalitaan niyang pagsama ng anak ni Megastar Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan sa naganap na pagprotesta sa Comelec.

Ito ay may kaugnayan sa inilabas na partial at unofficial results na inilabas ng Comelec kung saan lamang si Bongbong Marcos kaysa kay Leni Robredo na siyang running mate ng kanyang ama na si Kiko Pangilinan.

“Really, this election was bought a long, long time ago… I am not going to have my president be named ‘Ferdinand Marcos’ again, ever!” bahagi ng pahayag ni Frankie nang dumalo ito sa rally.

Kaya naman hindi maiwasan ni Cristy na mag-react dahil sa gulat sa ginawa ng dalaga sa kaniyang online YouTube show na “Showbiz, Now Na!” kasama sina Morly Alinio, Romel Chika.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kakie (@frankiepangilinan)

 

“Kung babalikan po natin ang kasaysayan ng rehimeng Marcos, tanging si Mayor Cuneta ang hindi natanggal sa kanyang posisyon,” pagbabahagi ng kolumnista.

Ang tinutukoy ni Cristy na Mayor Cuneta ay ang namayapang si Pablo Cuneta na ama ni Megastar at lolo naman ni Kakie na naging alkalde ng Pasay City.

Pagpapaptuloy ng kolumnista, sana raw ay bago ito gumawa ng aksyon ay nag-research muna ito patungkol sa mhga nangyari noon lalo na at isa ang kanyang lolo sa mga hindi nawala sa posisyon sa gobyerno noong panahon ni Ferdinand Marcos Sr.

“Hindi po niya nabalikan ‘yung nakaraan na si Ka Ambo ay ama ng kanyang ina, ang kanyang ina na si Sharon Cuneta ay anak siya. So ‘pag pinagkawig-kawig po ang impormasyon, lumalabas na wala ng research, wala pang utang na loob itong batang ito,” pagpapatuloy pa ni Cristy.

Kuwento pa niya, marami raw ang nagsasabing kaya daw ganoon ang ginawa ni Frankie ay sahil ito raw kasi ang madalas na sinasabi ng mga magulang niyang sina Sharon at Kiko.

“Kinontra ko yun. Sa puso ko, wala naman sigurong magulang na ito-tolerate yung anak kapag mali na ‘yung sinasabi gaya ni Sharon,” dagdag pa ni Cristy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Frankie Pangilinan sumugod sa Kakampink rally sa Comelec, binanatan si Bongbong

Frankie nilait-lait na naman ng basher: Nakakapagod na po, minsan pa nga nakakasira ng araw o buong linggo

Sharon inakusahang mas paborito si Frankie kesa kay KC; may pamatay na resbak sa bashers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending