Sharon Cuneta naloka sa mga humihingi ng complimentary tickets sa concert nila ni Gabby: Pasensiya po at nagta-trabaho lang ang girl n’yo! | Bandera

Sharon Cuneta naloka sa mga humihingi ng complimentary tickets sa concert nila ni Gabby: Pasensiya po at nagta-trabaho lang ang girl n’yo!

Reggee Bonoan |August 18,2023
facebook
share this

Sharon Cuneta naloka sa mga humihingi ng complimentary tickets sa concert nila ni Gabby: Pasensiya po at nagta-trabaho lang ang girl n’yo!

Reggee Bonoan - August 18, 2023 - 09:41 PM

Sharon Cuneta naloka sa mga humihingi ng complimentary tickets sa concert nila ni Gabby: Pasensiya po at nagta-trabaho lang ang girl n’yo!
NAALIW kami sa post ng nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta na laging sumasakit ang ulo niya kapag may concerts o shows na gagawin siya.

Inisip namin na baka nahirapan siyang humanap ng schedule for rehearsals at baka hindi magtugma ang schedule nila ni Gabby Concepcion.

Lalo’t hindi pa tapos ang shooting ni Sharon ng pelikulang A Mother and Son’s Story kasama si Alden Richards produced ng Cineko Films na entry sa 2023 Metro Manila Film Festival.

Ito pala ang dahilan base sa pinost niya sa kanyang Instagram account.

“Tuwing magkaka-concert ako, pinaka-sumasakit ang ulo ko hindi sa gagawin ko sa show kundi sa dami ng humihingi ng Complimentary o libreng tickets!

“Limited lang po ang complimentary tickets ko at sa totoo lang, itong concert na ito ang pinaka-nagpapasakit sa ulo ko!

“Pag may shows po ang mga kaibigan ko 0 sina Regine (Velasquez), Gary (Valenciano), etc bumibili po ako ng tickets bilang suporta sa kaibigan at kapwa performer at singer.

“Kaya nagpapasalamat po ako sa lahat ng friends at family members ko na di na ako iniistorbo at kusang bumibili ng tickets nila. Sa totoo lang po, an gaga naubos ng complimentary tickets ko!”

Baka Bet Mo: Sharon Cuneta umaapaw ang projects ngayong 2023, pak na pak ang schedule

At kapag ipinilit niyang bumili ng tickets para pagbigyan ang lahat ng gustong manood sa show nila ni Gabby ay baka hindi na siya sisipot sa concert.

“Pag ako pa bumili baka si Gabby na lang ang kumanta dahil mauubos ang suweldo ko sa kakalibre (alam po namin di biro ang prices kasi po malaki ang production costs!),” sambit pa.

Oo nga, sobrang mahal ng concert tickets ng Dear Heart na nagkakahalaga ng P18,500 na produced ng Insular Life.

Kaya ang pakiusap ni Shawie, “pasensiya po at nagta-trabaho lang ang girl n’yo! Kung puwede lang ilibre ko lahat kayi pero siyempre ‘di ko kaya. Thanks so much for understanding. Love you all!”

Samantala, marami namang netizens ang nag-agree sa hinaing na ito ng kanilang idolo at ilan sa mga nabasa namin.

Mula kay @Marites Lofton, “May libre pa ba ngayon? We work to make a living. Naman people, Walang libre!”

Lambing naman ni @Maan Joven, “Paraffle nlang po hehe.”

Say ni @Gina Razon Nakatake, “Salamat my Mega Marunong ka ng humindi we are proud of you mahal na mahal Kita.”

Intindi naman ng isang fan kung talagang mahal nila si Sharon sabi ni @dexiejanerw76, “if the fans are willing to spend money and buy tickets, your friends whom I’m sure can easily afford it, should too. #ISaidWhatISaid.”

Paniniwala ni @thevposting_, “idk (I don’t know) what’s wrong with people, so abusive, THIS IS A PAID WORK FROM PROFESSIONALS FOR THEIR TALENT, EFFORTS AND DEDICATION NOT A CHARITY CASE.”

Sabi rin ni @spencefied, “Akala ko mas sa boses nyo po sumasakit ulo nyo. Kung may lalabas ba o wala. Sa libreng tickets pala. Anyway, good luck po sa concert.”

Sinegundahan ni @shjskskjy si Sharon, “REAL TALK. Hahahaha. Mga fans nga nag iipon para makabili ng ticket, tapos ‘yung mga ‘yan nanghihingi kahit afford naman nila. Kaloka. Kung gusto nyo manood, gumastos kayo!”

Katwiran naman ni @minie.1219, “Kung sino o sinu-sino man yang mga yan,sana may konting pride silang natitira sa sarili,wala ng libre ngayon uy,yan ang hindi ko kayang gawin,ang manghingi o magpalibre,nakakahiya,parang wala na akong dignidad pag ginawa ko yan,dun sa mahilig magpalibre,sana tablan ka naman ng hiya.”

Naikumpara rin ni @er1inda.g, “Typical! The same po sa handaan di pa nakakain lahat nagbabalot na!”

Excited naman na si @gracia53070, “I already bought my tickets hindi ko papalagpasin ang concert na ito. Guest ka lang nga nanood ako ito pa kaya.”

Payo ni @grateful_lana, “Protect your boundaries at all times. @reallysharoncuneta.”

Gagawin naman ang lahat ni @aira_ella_tmu, “ready po kami talaga mag benta ng kidney para sa ticket @sharonian_angelmae_tmu, joke.”

Related Chika:
Sharon biniro sina Alden at Maine bago kantahin ang ‘Bituing Walang Ningning’, ano kayang reaksyon ng AlDub fans?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sharon Cuneta never nagsalita ng masama kay KC tungkol kay Gabby: ‘Naisip ko nga, dapat yata siniraan ko na lang’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending