KC Concepcion umaming OK ang lovelife, pero tipid na tipid mag-share: 'It’s not really something na gusto kong ilabas nang todo-todo' | Bandera

KC Concepcion umaming OK ang lovelife, pero tipid na tipid mag-share: ‘It’s not really something na gusto kong ilabas nang todo-todo’

Ervin Santiago - August 27, 2023 - 08:20 AM

KC Concepcion umaming OK ang lovelife, pero tipid na tipid mag-share: 'It’s not really something na gusto kong ilabas nang todo-todo'

Michael Wuethrich at KC Concepcion

IWAS na iwas pa rin ang singer-actress-entrepreneur na si KC Concepcion kapag napag-uusapan ang tungkol sa personal niyang buhay, lalo na ang kanyang lovelife.

Hanggang ngayon ay wala pa ring diretsahang pagkumpirma mula sa anak ni Megastar Sharon Cuneta ang mga balitang boyfriend na niya ang Filipino-Swiss businessman na si Michael Wuethrich.

Pero feeling nga ng kanyang fans at social media followers, base na rin sa mga ipino-post niya sa Instagram, matagal nang magdyowa sina KC at Michael, lalo na nang lantern na niyang ibandera sa publiko ang sweet photo nila ng non-showbiz guy na kuha sa kanyang European trip.

Sa naganap na presscon para sa kanyang comeback movie na “Asian Persuasion”, natanong ang aktres tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Michael.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KC ~ also, KRISTINA. (@kristinaconcepcion)


“Getting to know,” ang maiksing tugon ni KC. Sa sundot na question kung hindi na ba siya single ngayon, isang makahulugang tawa lang ang kanyang naging tugon.

Inamin naman ng aktres na happy siya ngayon dahil hindi siya nag-iisa, “Siyempre, ang hirap naman kapag nag-iisa ka. Siyempre, maganda yung feeling na may kasama, meron kang kasama, ganu’n.

“Pero for now, ganoon pa lang po. Wala pa po talaga akong big next step or anything pagdating sa personal life ko,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Julie Anne nililigawan na nga ba ni Rayver? ‘Mas okay siguro kung siya na lang po ang tanungin n’yo’

Chika pa ng dalaga, “Pilit kong pina-private yung life ko, pero nakakalusot, e. Kasi parang hindi ko kayang i-private lahat.”

Sa tanong kung supportive ba ang non-showbiz guy na nagpapaligaya ngayon sa kanyang puso, “Yes. I mean, I think I need someone who is supportive, who will understand na, siyempre nagta-travel na ako ngayon for my work, kasi nga international na rin yung nangyayari sa akin.

“So, I need someone very supportive and outgoing and respectful of my time, of me as a woman, who I can also see will be a good partner for life,” dugtong pang sey ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KC ~ also, KRISTINA. (@kristinaconcepcion)


Samantala, sa panayam naman sa kanya ng celebrity couple na sina Julius Babao at Christine Bersola para sa One PH last August 25, natanong din siya about her  lovelife.

“Okay naman ang lovelife. It’s not really something na gusto kong ilabas nang todo-todo, kasi ever since yung first relationship ko, parang masyadong open book lahat.

“Gusto ko rin kasi yung lalaki makilala ako bilang ako. Kapag masyadong nae-expose agad sa scene o sa buhay showbiz, or yung public life, siyempre, parang gusto ko lang malaman kung ano talaga yung intention sa akin kung sino man yung dine-date ko.

“The more the private, the more na makikilala mo yung tao,” paliwanag ni KC.

Nangako naman siya na kapag sure na sure na siya sa guy, ay ibabahagi naman niya ito sa publiko, “Eventually, sana maging ready na to share a lot more sa mga nagsu-support sa akin.

“Pero for now, I’d like to… minsan nga pasulput-sulpot sa Instagram, di ba?” sey pa ni KC.

Cristine ayaw nang pinag-uusapan ang relasyon nila ni Marco; dream come true ang pagtatambal nila ni Empoy sa ‘Kidnap For Romance’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Coco ayaw pa ring ibandera ang lovelife: ‘Ba’t ko hahayaang masaktan ako at ang pamilya ko, mas gusto kong tahimik lang’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending