Coco ayaw pa ring ibandera ang lovelife: 'Ba’t ko hahayaang masaktan ako at ang pamilya ko, mas gusto kong tahimik lang' | Bandera

Coco ayaw pa ring ibandera ang lovelife: ‘Ba’t ko hahayaang masaktan ako at ang pamilya ko, mas gusto kong tahimik lang’

Ervin Santiago |January 24,2023
facebook
share this

Coco ayaw pa ring ibandera ang lovelife: ‘Ba’t ko hahayaang masaktan ako at ang pamilya ko, mas gusto kong tahimik lang’

Ervin Santiago - January 24, 2023 - 09:54 AM

Coco ayaw pa ring ibandera ang personal life: 'Ba’t ko hahayaang masaktan ako at ang pamilya ko, mas gusto kong tahimik lang'

Coco Martin at Julia Montes

IWAS na iwas pa rin ang Teleserye King ng ABS-CBN na si Coco Martin sa pagse-share ng ilang detalye about his personal life, lalo na sa relasyon nila ng kanyang rumored partner na si Julia Montes.

Hanggang ngayon ay wala pa ring direktang pagkumpirma ang Kapamilya superstar sa tunay na estado ng relasyon nila ni Julia kahit alam na ng madlang pipol na matagal na silang magdyowa.

Bukod dito, hindi pa rin nagsasalita sina Coco at Julia hinggil sa matagal nang napapabalitang kasal na sila at meron na ring anak kaya naman puro espekulasyon pa rin ang naglalabasang chika about them.

Makalipas ang mahabang panahon ay muli naming nakaharap at nakachikahan si Coco kahapon kasama ang ilan pang miyembro ng entertainment media para sa bago niyang proyekto.

Si Coco ang napiling “The Rite One” upang ipagpatuloy ang legacy at advocacy ng yumaong Queen of Philippine movies na Susan Roces bilang ambassador ng RiteMed.

Kaya naman ang isa sa mga tanong kay Coco sa naganap na presscon  ay kung natagpuan na rin ba niya ang kanyang “right one”.

View this post on Instagram

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)


“Actually, ako naman po, hindi naman ako pa-tweetums. Ibig sabihin, kahit noong nagsisimula ako, indie films nga ako, e, di ba?” ang simulang sagot ng aktor.

“Ang first movie ko nga, gay film, di ba? Kumbaga, para sa akin kasi normal lang yung buhay ko. Actually, dati pa, kahit nung dati pa, naka-ready ako kung ano man yung haharapin ng buhay ko.

“Kung may dumating man siyang tao na siyang makakasama ko sa habambuhay, nakahanda po ako. Pero bago mangyari yun, talagang ang hinanda ko muna, yung pamilya ko, yung mga kapatid ko.

“Kasi, ang pangarap ko… ayoko yung ako, meron, may maganda akong buhay, maayos ang tinitirhan ko, tapos yung mga kapatid ko, hindi?

“Gusto ko, pantay-pantay kami. Hindi man parehong-pareho, pero alam ko na kung sakaling magbubukod na ako or paghahandaan ko na yung sarili kong buhay, alam ko na kampante ako na naiayos ko nang lahat ng buhay nila.

“Kasi sabi ko nga po, mahirap nga po na lumaki ka sa broken family. Pero may advantage din po yun.

“Dahil lumaki ako sa broken family, ayokong mangyari sa buhay ko yun. Kaya sabi ko nga, kung naapektuhan man po yung mga kapatid ko, hindi ko iyon ginawang kahinaan.

“Which is yun po ang nagpalakas po sa akin para tumayo nang ganito, para lumaban. Kasi, sa totoo lang po, mahiyain ako, e,” lahad ni Coco.

Patuloy pa niya, “Pero natuto ako dahan-dahan. Lumakas ang loob, kumapal ang mukha. Bakit po? Sabi ko, kapag ako naging mahina, paano yung mga kapatid ko?

“Ginawa ko po, talagang nagsumikap ako. Kayod, kayod nang kayod nang kayod nang kayod. Hanggang ngayon po, kagaya po ng ikinukuwento ko, ngayong maayos na po sila… anytime.

“Anytime po. Nakahanda po ako para sa sarili ko. Kung naayos ko ang pamilya ko, handang-handa na rin po ako kung magkakaroon ako ng sarili kong pamilya,” dagdag paliwanag pa ni Coco sabay sabing, “Nasa puso ko na yung right one!”

At sa tanong kung kailan niya balak magpakasal, “Anytime po.” Pero aniya, mukhang hindi pa siya handang ibandera sa publiko ang kanyang the right one.

Sundot na tanong sa kanya kung ikakasal na ba siya o ikinasal na? At kung magkaka-baby na, “Kasi, alam niyo, pinakamahal kasi sa buhay ngayon, yung peace of mind and privacy, di ba? Yun ang pinakamahirap makuha ngayon.

“Lalung-lalo na lahat tayo ngayon, may social media, ganyan. Which is yun na yung reward ko para sa akin, sa sarili ko at sa family ko, na napapanatili kong protektado sila.

“Kasi sabi ko nga kanina, hindi ako perpektong tao. Ang sakit pag may naririnig kang hindi maganda sa iyo. Masakit lalo na pag may narinig kang hindi maganda sa pamilya mo.

“Hangga’t maaari, ba’t ko hahayaan na masaktan ako o masaktan ang pamilya ko? Kaya mas gusto ko na tahimik na lang.

“Kasi hindi naman magiging kabawasan yun, e. Para sa akin kasi, mas importante, ano ba yung produktong ginagawa mo, di ba?

“Para sa akin, yun ang pag-usapan natin kung gusto niyo? Pero kung ayaw niyo rin lang itanong, okey rin naman sa akin,” seryosong sabi pa ni Coco.

Coco tensyonado sa pagpasok ni Julia sa ‘Ang Probinsyano’

Julia nakabili ng bagong bahay malapit sa mansion ni Coco

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sharon kay Julia: ‘Akin ka na lang! Para apat na ang baby girls ko!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending