Julia nakabili ng bagong bahay malapit sa mansion ni Coco | Bandera

Julia nakabili ng bagong bahay malapit sa mansion ni Coco

Alex Brosas |August 20,2015
facebook
share this

Julia nakabili ng bagong bahay malapit sa mansion ni Coco

Alex Brosas - August 20, 2015 - 02:00 AM

julia montes

Consistent si Julia Montes sa pagsasabing hindi pa siya ready to fall in love.

Sa kanyang interviews lately ay panay questions about Coco Martin ang tinanong sa dalaga. Pero paiwas ang mga sagot ng dalaga, saying na wala pa sa isip niya ang magka-love life.

She also stressed na hindi pa siya nakakapunta sa bahay ni Coco. Hindi namin maisip kung bakit until now ay hindi pa siya niyayaya ng binata para tingnan ang kanyang balaysung na talagang sobrang laki at milyones ang halaga.

Ang naiisip namin, baka kumukuha pa ng tiyempo si Coco na sobrang in love sa dalaga. Anyway, may mga nag-comment sa sinabi ni Julia sa la- test interviews niya.

“Wala daw sa isip ang love eh baket super close at inspiration daw si coco. ano ang gusto nyang palabasin. echosera pa eh halatang type na type din si coco. walang bukang bibig kundi si coco. yah right,” say ng isang fan.

“Yung second house na nabili niya na medyo close sa bahay ni Coco. Unbelievable naman na super close sila pero hindi pa nakakadalaw sa bahay ni Coco?” may pagtatakang tanong naman ng isa pa.

“Pag nagkatuluyan tong dalawa na to ang ganda ng kalalabasan ng future family nila! Sana tlaga magkatuluyan sila,” wish naman ng isang fan.

Sabi ng isa pa, “Tama lang naman wag magmadali, magpayaman ka muna, Julia!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending