Coco tensyonado sa pagpasok ni Julia sa 'Ang Probinsyano' | Bandera

Coco tensyonado sa pagpasok ni Julia sa ‘Ang Probinsyano’

Reggee Bonoan |July 31,2021
facebook
share this

Coco tensyonado sa pagpasok ni Julia sa ‘Ang Probinsyano’

Reggee Bonoan - July 31, 2021 - 02:56 PM

KITANG-KITA ang sayang nararamdaman nina Coco Martin at Julia Montes sa ginanap na story conference ng “FPJ’s Ang Probinsyano” para sa pagpasok ng mga bagong karakter sa pangunguna ng aktres.

Hindi na talaga maikakaila kina Coco at Julia ang maganda nilang relasyon dahil hindi naman ganito kinikilig ang aktor kapag ibang artistang babae ang kasama niya base sa napanood naming report ni MJ Felipe sa TV Patrol.

Inamin naman rin ng aktor na hindi siya nakatulog kinagabihan para sa gaganaping storycon kinabukasan.

“Ako ‘yung kagabi hindi nakatulog, kahapon nagbi-brainstorming kami dito, ako ‘yung tensyonado kasi siyempre parang… kasi makakasama ko siya (Julia), eh. Alam mo ‘yung parang hindi ako puwedeng magkamali this time! Parang dito pa ba ako sasablay?” pahayag ng aktor na talagang hindi nawala ang mga ngiti niya.

Sa totoo lang, huh, ngayon parang nagpapa-cute si Coco sa bago niyang leading lady.

At si Julia habang nagkukuwento ang ganda rin ng ngiti, ang fresh, halatang napahinga ng matagal ng panahon.

“Sa nakita ko rin kay Coco parang dito lumabas ‘yung creative side niya, so, to be part of this big project parang hindi makukumpleto ang isang career mo sa trabaho mo as an actor kapag hindi ka napasok sa Probinsyano,” masayang kuwento ng aktres.

Walang binanggit pa si Direk Coco kung ano ang karakter ng kanyang bagong leading lady pero hinahasa na niya ang dalaga sa paghawak ng baril at iba pa.

“’Yung preparation sa mga baril ganu’n, tapos trinain ko siya sa baril, sa pagmo-motor tapos sa fight lahat, ganu’n. Kung baga ‘yung suporta ba kailangan ibigay,” sambit naman ng aktor.

Sa tatlong TV series at isang pelikula na pinagsamahan nina Coco at Julia ay aminado silang kumportable na sila pagdating sa galawan dahil kilalang-kilala na nila ang isa’t isa.

Pero bago naman nangyari na magkapalagayan sila ng loob ay sinungitan muna ni Coco ang kanyang leading lady sa promo shoot ng “Walang Hanggan” noong 2012.

“Sa promo shoot noon ng Walang Hanggan merong itinuturo (ako) turo mo, turo mo. Sinusungitan ko siya noon tapos siya bilang bata, (inisip daw ni Julia) ano ba ito bakit ganu’n parang ang awkward? Ang sungit hindi kami kumportable sa isa’t isa?

“Pero kadalasan kasi sa umpisa nagkakahiyaan kami, siguro yung personalidad namin pareho kaming mahiyain pero ang maganda kapag nakabuwelo, doon nag-iinit na, doon na nakikita ‘yung chemistry,” balik-tanaw ni Coco habang nakangiti si Julia.

Susme base sa obserbasyon namin sa dalawa ay hindi na nila kailangang umaming ’oo, kami na’ kasi what you see is what you get.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tulad nga ng nauna naming sinulat dito sa BANDERA ay posibleng ma-extend ang “FPJ’s Ang Probinsyano” hanggang 2022 dahil sayang naman kung hanggang Setyembre lang ang exposure ni Julia lalo’t kasama pa ang mahuhusay ring mga artista tulad nina Tommy Abuel, Rosanna Roces, Vangie Labalan, Michael Flores, Chai Fonacier, Marela Torre, Elora Españo, at Joseph Marco na pawang mga award-winning.

“Ang FPJ’s Ang Probinsyano” ay handog ng Dreamscape Entertainment at napapanood ito sa Kapamilya online channel, A2Z, TV5, iWAnt TFC at YouTube channel ng ABS-CBN

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending