Sharon naiipit sa isyu nina KC, Kiko at Frankie, pero hindi raw hahayaang tuluyang masira ang pamilya | Bandera

Sharon naiipit sa isyu nina KC, Kiko at Frankie, pero hindi raw hahayaang tuluyang masira ang pamilya

Ervin Santiago |September 06,2023
facebook
share this

Sharon naiipit sa isyu nina KC, Kiko at Frankie, pero hindi raw hahayaang tuluyang masira ang pamilya

Ervin Santiago - September 06, 2023 - 07:35 AM

Sharon naiipit sa isyu nina KC, Kiko at Frankie, pero hindi raw hahayaang tuluyang masira ang pamilya

KC Concepcion, Sharon Cuneta, Kiko Pangilinan, Miel, Frankie at Miguel Pangilinan

NAAALARMA na ang mga taong malalapit sa mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion kaugnay ng kinasasangkutan nilang kontrobersya.

Nagsimula ito sa balitang pag-unfollow ni KC sa Instagram account ng kapatid niyang si Frankie Pangilinan at sa stepfather niyang si Kiko Pangilinan.

Walang diretsahang binanggit si KC sa isang panayam kung bakit niya in-unfollow sa IG ang kanyang mga kapamilya, basta ang sabi ng aktres at negosyante, kailangang pangalagaan niya ang kanyang mental health at peace of mind.

Hanggang ngayon ay wala pang pahayag sina Kiko at Frankie tungkol dito na balitang in-unfollow na rin si KC sa IG kaya naman feeling ng netizens, malalim ang pinaghuhugutan ng mga ito patungkol kay KC.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ayon naman sa isa naming source, ang talagang naiipit at nahihirapan ngayon sa sitwasyon ng kanilang pamilya ay ang Megastar lalo pa’t nakukuwestiyon ngayon ng mga bashers ang kanyang pagiging nanay.

Base sa nababasa naming comments, sana raw ay magsalita na ang movie icon hinggil sa isyu ng kanyang pamilya kay KC bago pa lumala nang lumala ang kontrobersiya.

Ipinagtanggol naman ng aming source ang nag-iisang Megastar bilang ina na siyang nagbigay ng magandang edukasyon si KC na pinag-aral pa niya sa ibang bansa. In fairness, napakaganda na rin ng career at buhay ngayon ng dalaga.

Baka Bet. Mo: Sharon muling nakasama si KC sa US: A little happy during days of grieving

Pero hindi pa rin daw nawawala ang pagmamahal ni Sharon sa panganay na anak kahit na nga super independent na ito ngayon. Sa katunayan, kung may kailangan daw si KC ay ibibinigay pa rin ni Shawie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Itinanggi rin ng aming source na hindi gimik ang isyu sa pagitan ni KC at ng pamilya ni Sharon para umingay at mas lalo pang pag-usapan ang nalalapit na reunion concert ng Megastar at ng ex-husband nitong si Gabby Concepcion.

Aniya, hindi ang tulad ni Sharon ang taong gagamitin ang personal na buhay para sa pansariling interest. Nais lang daw nitong ibandera sa buong universe na maayos na uli ang samahan nila ni Gabby.

Sa bandang huli, ang pagiging ina pa rin daw ni Sharon ang mananaig sa sitwasyong ito. First and foremost, mother si Shawie at ang pagmamahal pa rin sa pamilya ang kanyang priority.

Sabi nga ng aming source, handa siyang mawala ang kinang ng kanyang bituin bilang Megastar huwag lang masira ang kanyang pamilya. Ang pagmamahal sa mga anak pa rin ang mananatili sa kanyang puso’t isipan.

Hugot ni KC sa pagiging anak ni Sharon: ‘Ako ang panganay niya, malalaman din ni Mama kung gaano ko siya kamahal pagdating ng panahon’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sharon inakusahang mas paborito si Frankie kesa kay KC; may pamatay na resbak sa bashers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending