Sharon muling nakasama si KC sa US: A little happy during days of grieving | Bandera

Sharon muling nakasama si KC sa US: A little happy during days of grieving

Therese Arceo |August 10,2022
facebook
share this

Sharon muling nakasama si KC sa US: A little happy during days of grieving

Therese Arceo - August 10, 2022 - 05:03 PM

Sharon muling nakasama si KC sa US: A little happy during days of grieving
NAGKITA nang muli sina Megastar Sharon Cuneta at KC Concepcion makatapos ng ilang buwang hindi pagsasama.

Si KC ay ang panganay na anak ni Ate Shawie sa kapwa aktor na si Gabby Concepcion.

Sa kanyang Instagram post nitong Martes, August 9, ibinahagi ni Sharon ang kanilang larawan ng anak.

“A little HAPPY during days of grieving,” saad niya sa kanyang caption.

Sandaling nakalimutan ni Sharon ang lungkot na nararamdaman at sinulit na rin ang mga oras kasama si KC pati ang ilan pa nilang kaibigan sa Amerika.

Sa kanyang IG post ay makikita ang mga candid photos nila ng anak at bakas na bakas ang saya sa kanilang mga mukha.

Halata rin ang pagka-miss ng dalawa sa isa’t isa dahil tila hindi mapaghiwalay at talagang clingy si Sharon sa kanyang dalaga.

Matatandaang noong Hunyo ay nagkausap sila ng ina sa pamamagitan ng Facetime kung saan ibinandera niya kung gaano siya ka-proud sa ina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

“I’m so thankful we’re able to speak with each other with mutual care and respect, and now talk like girlfriends and found our way back to each other!

“I love you Mama! There is nothing like having your own mother’s LOVE,” sey ni KC sa kanyang naging IG post ukol sa pag-uusap nila ni Sharon.

Mabuti na rin na muling nag-bonding ang dalawa dahil malaking tulong ito para sa Megastar na nangungulila pa rin kay Cherie Gil.

Isa si Sharon sa mga labis na nagdadalamhati sa pagpanaw ng beteranang aktres noong Agosto 5 dahil sa sakit nitong cancer.

Hindi naging madali sa Megastar ang pangyayari lalo na’t naging sunod-sunod ang paglisan ng mga mahahalagang tao sa kanyang buhay.

Una na nga rito si Fanny Serrano, sumunod ay ang Queen if Philippine Cinema na si Susan Roces, at ngayon nga ay ang La Primera Contravida na si Cherie Gil.

Related Chika:
Sharon, KC pareho nang pang-international ang aktingan: Excited for you guys to see it!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sharon ibinandera ang pagiging proud nanay sa Hollywood movie ni KC: Show the world what you’ve got!

KC sa COVID-19 journey: Hay, 10 days na…Lord sana OK na talaga ako, kumakapit pa rin sa meds at mask

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending