Tolits balik-showbiz, join agad sa Sahaya; pinasok din ang public service | Bandera

Tolits balik-showbiz, join agad sa Sahaya; pinasok din ang public service

|April 22,2019
facebook
share this

Tolits balik-showbiz, join agad sa Sahaya; pinasok din ang public service

- April 22, 2019 - 12:35 AM

BINATANG-BINATA na pala ang dating child star at Eat Bulaga Dabarkads na si BJ Tolits Forbes.

Sa lahat ng naka-miss kay Tolits, mapapanood n’yo na siya uli sa telebisyon gabi-gabi sa pamamagitan ng Kapuso hit primetime series na Sahaya.

And yes, vloger na rin siya ngayon at sa kanyang sariling YouTube channel mapapanood ang kanyang exclusive sneak peek sa behind-the-scenes ng taping ng Sahaya kasama sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Kung ano ang magiging papel niya sa Sahaya yan ang dapat n’yong abangan. Alamin kung isa ba siyang kakampi o kalaban. Pero in fairness, ang gwapo pa rin ni Tolits kaya hindi imposibleng marami ring girls ang mapaibig niya once na lumabas na siya sa Sahaya.

Unang sumikat si BJ Flores, o Bernard Joecel Forbes sa totoong buhay, nang sumali siya “That’s My Boy” ng Eat Bulaga noong 2003. Nagkaroon din siya ng mga teleserye at pelikula noon pero nagdesisyong iwan muna ang showbiz para mag-concentrate sa pag-aaral.

Bukod sa sports at pagiging active sa teatro, pinasok din niya ang public service. Si Tolits ang tumatayo ngayong Angono Youth Chairperson na nagsimula pa noong November, 2014.

Isa rin siya sa mga host ng travel show na Lakbayin Ang Magandang Pilipinas.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng Sahaya, abangan ang mga pakilig na eksena nina Miguel, Migo Adecer at Bianca pati na ang mga pasabog nina Mylene Dizon, Snooky Serna, Eric Quizon at Pen Medina. Gabi-gabi pa ring napapanood ang Sahaya sa GMA Telebabad after Kara Mia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending