Miguel, Bianca, Migo love triangle may pasabog sa Sahaya | Bandera

Miguel, Bianca, Migo love triangle may pasabog sa Sahaya

Bandera |August 28,2019
facebook
share this

Miguel, Bianca, Migo love triangle may pasabog sa Sahaya

Bandera - August 28, 2019 - 12:25 AM

MIGUEL TANFELIX AT BIANCA UMALI

Binigyan ng tips at payo ng Sahaya lead actor na si Miguel Tanfelix ang artista hopeful na si Abdul Raman na nakasama sa 7 On 7 ng StarStruck Season 7 sa GMA.

Bago sumabak sa panibagong artista challenge, nakausap ni Abdul si Miguel, “As an actor, kailangan alam mo ang strengths and weaknesses mo. Number 1 tip is be grounded. Be open, tapos kailangan hindi ka kinakabahan. Kasi ‘yun ‘yung first na magba-block sa mga emotions mo.”

Dagdag pa ng ka-loveteam ni Bianca Umali, “Kailangan kilala mo ‘yung character mo and alam mo ‘yung script para hindi ka nawawala. And practice, practice rin naman talaga para maging sensitive ka.”

“May mga times talaga na may wall ka. Huwag mong madaliin ‘yung sarili mo. Darating ‘yung time na matututunan mo lahat,” dagdag pa ng Kapuso young actor.

Samantala, ayon kay Miguel, marami pang dapat abangan ang manonood sa pagpapatuloy ng Sahaya sa GMA Telebabad. Sa mga susunod na episode, tutukan kung ano ang magiging ending ng love story nina Sahaya (Bianca) at Ahmad (Miguel).

Siyempre, nandiyan pa rin si Jordan (Migo Adecer) na handa ring gawin ang lahat para mapasaya si Sahaya at makuha ang puso nito. Pero hanggang saan ang kaya niyang gawin at isakripisyo para kay Sahaya? Matanggap kaya niya sakaling si Ahmad ang piliin ng babaeng pinakamamahal?

At siyempre, mangyayari na rin sa wakas ang pagresbak ni Manisan (Mylene Dizon) kina Irene (Ana Roces) at Salida (Snooky Serna). Alamin kung paano gaganti ang ina ni Sahaya sa lahat ng mga taong nang-api sa kanila. Napapanood pa rin ang Sahaya sa GMA Telebabad after 24 Oras.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending