Miguel: Lahat tayo ay may karapatang mabuhay at lumigaya kaya laban lang
NGAYONG gabi na ang finale episode ng GMA Telebabad series na Sahaya na pinagbibidahan nina Bianca Umali, Miguel Tanfelix at Migo Adecer.
Nauna na naming ibinahagi sa inyo ang mga hindi malilimutang experience at mga eksena nina Bianca at Migo bilang sina Sahaya at Jordan, sa kanilang teleserye na talagang sinubaybayan at sinuportahan ng Kapuso viewers.
Inamin ng dalawang Kapuso stars na inaatake na sila ng “sepanx” (separation anxiety) bago pa man matapos ang kanilang taping. Umaasa sila na muling magkakasama-sama sa isang proyekto na singlaki at singganda ng ng Sahaya.
Para naman kay Miguel, kung may isang bagay siyang natutunan habang ginagawa ang Sahaya bilang ang binatang Badjaw na si Ahmad, ito ay ang pakikipaglaban para sa pamilya at sa mga taong minamahal.
“To fight for what you love. Because Ahmad’s journey is all about fighting for Kampong and Sahaya,” sagot ni Miguel.
Ano ang gusto mong matutunan ng mga manonood sa Sahaya sa pagtatapos nito? “Every single person has a right to be happy and to fully live their lives.”
Kung may natutunan siya sa pagganap bilang si Ahmad sa serye, ano ‘yun? “Being able to experience the culture and life of Badjaos. To embody them thru the character; their hardships and way of living is a great experience and learning.”
Kung may mga eksena siya sa Sahaya na hinding-hindi niya malilimutan ito ay ang, “Whenever we do scenes in the middle of the sea. Because being close to nature while filming doesn’t feel like work. I feel like a real Badjao. And as an actor, it’s important to dig deeper into your character when you’re doing a scene.”
Paano binago ng Sahaya ang kanyang pananaw tungkol sa mga kababayan nating mga Badjaw? “I’ve learned about their culture and traditions. They need to be treasured not only as indigenous people but as humans and as our fellow Filipinos.”
Sa pagtatapos tonight ng Sahaya, malalaman na kung sino talaga ang kriminal at kung sino ang dapat makulong sa lahat ng mga kasalanang ginawa nila. Tutukan ang kahihinatnan ng kasamaan nina Salida (Snooky Serna) at Irene (Ana Roces) sa pamilya nina Sahaya at Manisan (Mylene Dizon). Hindi n’yo rin dapat palampasin ang kahindik-hindik na mangyayari kay Hubert (Eric Quizon).
Pero ang pinaka-highlight ng finale night ng serye ay ang magiging ending ng love story nina Ahmad at Sahaya – happy nga ba ang magiging katapusan ng kanilang love story?
Ikagugulat ba ng mga manonood ang desisyon ni Sahaya? Matutuwa kaya ang Team Ahmad o baka naman nasa Team Jordan ang huling halakhak?
Lahat ‘yan ay sasagutin sa huling gabi ng Sahaya after 24 Oras sa GMA Telebabad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.