Joshua Garcia single na single pa rin, umaming naiinggit sa mga kaibigang may mga dyowa | Bandera

Joshua Garcia single na single pa rin, umaming naiinggit sa mga kaibigang may mga dyowa

Reggee Bonoan |November 16,2022
facebook
share this

Joshua Garcia single na single pa rin, umaming naiinggit sa mga kaibigang may mga dyowa

Reggee Bonoan - November 16, 2022 - 09:59 AM

shua Garcia single na single pa rin, umaming naiinggit sa mga kaibigang may mga dyowa

Joshua Garcia, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Ria Atayde at Zane Marudo

BAGO tumulak patungong Los Angeles, California, USA si Ogie Diaz bukas, Nobyembre 17, ay nakorner muna niya ang aktor na si Joshua Garcia para sa isang exclusive interview.

Nagkausap sila tungkol sa personal na buhay ni Joshua at kung ano ba talaga ang real score sa pagitan nila ng babaeng kasama niya na nag-viral sa social media kamakailan.

Nakapanayam ni Ogie si Joshua sa isang product launching na ang aktor ang endorser kasama si Francine Diaz at inilabas niya ito sa “Showbiz Update” vlog niya kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh.

“Siya (Joshua) ang nagkuwento sa akin sa trip niya sa Japan na kasama si Zanjoe (Marudo) na ang kapartner niya ay si Ria Atayde na dating na-link kay Joshua pero hindi naman totoo dahil super friends sila.

“Tapos (kasama rin) si Kathryn (Bernardo) saka si Daniel (Padilla) kasama rin, si Robi (Domingo) saka si Maiqui (Pineda) kasama rin. Tinanong ko si Joshua kung single ba o double na?” kuwento ni Ogie

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae)


Hirit naman ni Mama Loi, “E, di ba may natsismis na dyowa niyang influencer (Bella Racelis)?”

“Yun na nga, ay naku! Nakakatuwa ang sagot ni Joshua,” ani Ogie.

Unang tanong, “Si Joshua ba ay double o single?”

“Single..bakit?” sagot ng aktor.

Tumatawa si Ogie kaya natanong siya ng binata at sambit nga nito tungkol sa na-link sa kanyang influencer kamakailan na nag-viral pa ang mga larawan nila.

Nagkibit-balikat si Joshua, “Huwag nating pag-usapan ‘yun basta ako single ako, nag-iisa ako, di ba? Wala nga akong kasama sa Japan, eh. Ha-hahaha!”

Maging si Ogie ay tawa rin nang tawa sa pambubuking ng binata sa sarili. At dito inamin ng aktor na naiinggit siya sa mga kasama niyang may mga partner nang magpunta sila sa Japan.

“Nandoon ‘yung inggit pero kasi sa akin na lang ‘yun hindi ko na kailangang sabihin. May mga times na ganu’n na ang sarap sana kung may kayakap ka pero kasi kasama ko mga kaibigan ko, hindi kasi sila ‘yung parang PDA (public display of attention) na nagyayakapan o ano sa kalsada. As one kami kasi.

“Parang hindi ko naramdaman na naiwan ako ro’n. Saka may mga times na naglalakad akong mag-isa, na-enjoy ko ‘yun kasi nasa Japan ako, ang dami kong nakikita, ang daming mga buildings, nakakalakad kami sa kalsada (bilang walang nakakakilala).

“May isang araw ako na lumabas ako, nag-shopping ako. Kasi that day ‘yun ‘yung free day namin kasi may itinerary kami. So, ‘yung araw na ‘yun sinamantala ko lumabas ako, so, siyempre ang partner ko, Google map. Ha-hahaha! And Uber,” mahabang pagbabahagi ng aktor kung anong nangyari sa bakasyon niya sa Japan kamakailan.

Opinyon ni Ogie dahil walang inamin si Joshua tungkol kay Bella Racelis, baka single siya nu’ng nasa Japan?

Inamin din ng online host na nahiya na siyang magtanong o mangdikdik.

Samantala, kaya aalis si Ogie bukas, ay para personal na tanggapin ang award mula sa The 21st Annual Gawad Amerika kung saan nanalo ang kanilang vlog bilang 2022 Most Influential Online Program in Entertainment.

Lima silang miyembro na imbitado sa nasabing parangal sa Amerika, “Kaso wala pa silang visa at hindi naman madalingpumunta lalo na ngayon,” say ni Ogie.

O, ayarn…Kathryn, Daniel naglabas na ng ‘resibo’ para patunayang hindi naghiwalay; magka-date ngayon sa Japan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May bago na bang nagpapatibok ng puso ni Joshua Garcia?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending