Shaila Rebortera engaged na sa dyowa, Rob Gomez nganga

Shaila Rebortera engaged na sa bagong dyowa, Rob Gomez nganga

Ervin Santiago - July 18, 2024 - 12:03 AM

Shaila Rebortera engaged na sa bagong dyowa, Rob Gomez nganga

Shaila Rebortera at Luigi Agtoto

ENGAGED na si Shaila Rebortera, ang beauty queen na lumantad last year at ibinandera sa publiko na may anak sila ng Kapuso actor na si Rob Gomez.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ibinandera ng Miss Multinational Philippines 2021 ang good news kalakip ang mga litrato nila non-showbiz fiancé na si Luigi Agtoto na siyang chief executive officer ng Cebu-based jeweler na Gold Crafts.

Baka Bet Mo: Rob Gomez nag-sorry na kay Shaila Rebortera, gustong makapiling muli ang kanyang mag-ina: ‘I promise to keep my promises to you this time’

Ang nakalagay sa caption with matching white heart at diamond ring emojis,”I found the one my heart loves.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Naganap ang marriage proposal ni Luigi sa Shibuya Sky, ang sikat na observatory facility sa Japan na dinarayo ng mga turista roon dahil na rin sa napakagandang mga tanawin sa Tokyo.

Isa sa mga photo na ibinahagi ni Shaila ay ang pagluhod ni Luigi sa kanyang harapan para hinging ang matamis niyang “Yes!” May litrato rin silang magkayakap kung saan makikita sa background ang Shibuya Sky.

Patunay lamang ito na hindi na talaga nagawang i-save ni Rob ang relasyon nila ni Shaila, ang ina ng anak niyang si Amelia.

Matatandaang nag-react si Shaila sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kay Rob kung saan sinabi nitong single siya at walang sabit. That time ay napapanood ang aktor sa Kapuso series na “Magandang Dilag” katambal si Herlene Budol.

Kasunod nito, nag-post ang dating beauty queen sa Facebook at Instagram  ng mga litrato niya kung saan makikitang may mga sugat at pasa ang kanyang braso.

Baka Bet Mo: Shaila Rebortera mahigit 1 taon nagtiis sa pambubugbog, marami pang biktima ang ‘lumantad’

May caption itong, “It’s just social media.

“I’m just protecting my career.

“Let the show stay number one.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rob (@robgomez.23)


Ang feeling ng mga netizens ay para kay Rob ang naturang post.

Ngunit makalipas ang ilang araw ay nag-post naman si Rob ng mga litrato nila ni Shaila na parang ang nais sabihin sa publiko ay muli niyang sinusuyo ang former beauty queen.

Nasundan pa ito ng isa pang Instagram post kung saan nag-sorry siya kay Shaila, “Im sorry for hurting you babe. I love you so much. Im sorry for all the pain and hurt that i caused.

“For raising my voice. For not being honest and not reassuring you that I am yours.

“It pains me so much not being with you and our daughter. I never wanted this to happen. And its all my fault. You are important to me. I miss you and Amelia so much! Im still here,” sabi ni Rob.

Sa panayam namin sa aktor pagkatapos nito, kinumpirma niyang inaayos nila ni Shaila ang kanilang relasyon at nililigawan niya uli ito. Sa katunayan, noong December 25, 2023, nagbahagi pa si Rob ng photos nila na kuha sa binyag ng kanilang anak.

Ngunit makalipas lamang ang ilang linggo muling nalagay sa kontrobersya si Rob nang mag-leak ang umano’y private message nila ng kanyang mga co-star sa “Magandang Dilag” na sina Herlene Budol at Bianca Manalo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naging mainit na isyu ito sa mundo ng showbiz ngunit lahat ng involved sa kuwento ay itinangging may malisya ang palitan nila ng mga mensahe.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending