Shaila Rebortera nanganak na sa 2nd baby

Shaila Rebortera nanganak na sa 2nd baby, super flex sa ‘maalagang’ mister

Pauline del Rosario - January 23, 2025 - 11:01 AM

Shaila Rebortera nanganak na sa 2nd baby, super flex sa 'maalagang' mister

PHOTO: Instagram/@shailadmragtoto

OPISYAL nang mom of two ang beauty queen na si Shaila Rebortera!

Ito ay matapos niyang isilang ang baby girl nila ng non-showbiz husband na si Luigi Agtoto.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ibinandera ni Shaila ang ilang litrato matapos ang kanyang panganganak.

Kabilang na riyan ang picture ng kanyang mister na karga ang kanilang baby.

Ang caption pa niya diyan, “Best partner I could ever ask for.”

Baka Bet Mo: Rob Gomez mahal na mahal ang anak kay Shaila Rebortera; nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Herlene Budol

May post din na makikitang na-meet ng kanyang panganay na si Amelia ang kapatid nito.

“The most excited big sister [heart hands emoji],” wika niya.

Shaila Rebortera nanganak na sa 2nd baby, super flex sa 'maalagang' mister

PHOTO: Instagram Stories/@shailadmragtoto

Ibinalita rin ng beauty queen na na-discharge na sila ng kanyang baby sa ospital.

“Thank you for all your prayers, everybody,” sey niya sa post.

Shaila Rebortera nanganak na sa 2nd baby, super flex sa 'maalagang' mister

PHOTO: Instagram Stories/@shailadmragtoto

As of this writing, wala pang detalye kung ano ang pangalan ng kanyang baby girl, pati na rin kung kailan ito mismo ipinanganak.

Kung matatandaan, July last year nang ma-engage si Shaila kay Luigi.

Ikinasal naman sila noong Nobyembre sa isang intimate garden ceremony.

Ilang linggo matapos mag-“I do,” ibinalita ng mag-asawa na buntis na si Shaila.

Samantala, si Amelia ay anak ni Shaila sa dating partner na aktor na si Rob Gomez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa mga hindi aware, si Shaila ay isang dentista na itinanghal na Miss Multinational Philippines 2021 at Miss Millennial Philippines 2018.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending