Brenda Mage 'sukang-suka' sa closeness nina Alexa at Eian: OMG! Pang-Oscars ang aktingan! | Bandera

Brenda Mage ‘sukang-suka’ sa closeness nina Alexa at Eian: OMG! Pang-Oscars ang aktingan!

Ervin Santiago |December 14,2021
facebook
share this

Brenda Mage ‘sukang-suka’ sa closeness nina Alexa at Eian: OMG! Pang-Oscars ang aktingan!

Ervin Santiago - December 14, 2021 - 09:21 AM

Brenda Mage, Alexa Ilacad at Eian Roces

SUKANG-SUKA ang Kapamilya comedian na si Brenda Mage sa mga kapwa niya housemates sa “Pinoy Big Brother” season 10 na sina Eian Rances at Alexa Ilacad.

Sa nakaraang episode ng reality show ng ABS-CBN, naglabas ng saloobin si Brenda Mage tungkol sa pagiging malapit sa isa’t isa nina Eian at Alexa sa loob ng Bahay ni Kuya.

Ayon sa komedyante, duda siya sa biglang pagiging close ng dalawa kaya ang nakakalokang one-liner niya nang magkomento tungkol dito ay, “Oscars ang aktingan!” 

Alam naman ng madlang pipol na unang naging super close si Eian kay Brenda na umabot pa nga sa pagseselos ng dyowa ng komedyante na si Kelvin. Tinawag pa nga nito ng “bakla” si Eian.

Sa Dec. 13 episode ng “PBB”, super react si Brenda Mage sa biglaang double date na sinet-up ng mga celebrity housemates para kina Daisy “Madam Inutz” Lopez at Jordan Andrews, at nina Eian at Alexa.

Ipinaliwanag ng Kapamilya comedian sa mga housemates na sina Samantha Bernardo at Alyssa Valdez kung bakit duda siya sa nabuong friendship sa pagitan nina Eian at Alexa.

“Nakakasuka! Ang daming negative na sinabi si Eian against Alexa, and Alexa ang daming sinabi…and then in just one click, nag ganoon sila. Oh my God! Ang galing mag-switch.

“Congratulations! Dinaig ang Urian awards, ang MMFF. Oscars ang aktingan! Grabe, gusto ko itanong kung saan sila nagwo-workshop sa galing nila umarte,” hirit ni Brenda na feeling jealous talaga kay Alexa.

Bago naganap ang double date sa PBB house, kinompronta pa ni Brenda Mage si Eian at diretsahang inamin na nagseselos siya sa pagkakaibigan ng binata sa Kapamilya actress.

View this post on Instagram

A post shared by Pinoy Big Brother (@pbbabscbntv)


Kasunod nito, nag-set-up naman si Samantha ng “blind date” para kina Brenda at Eian kung saan pinag-usapan nila ang tungkol sa kanilang “relasyon” at matapos magpaliwanagan nagkasundo sila na ibalik ang dati nilang friendship.

“Instead na mangibabaw sa atin ‘yung awkwardness, sana magtulungan tayo na maibalik natin ‘yung dati,” ani Eian.

Dagdag pa niya, “Hindi nawala, hindi mawawala ang pagkakaibigan natin. Nabawasan lang nitong mga nakaraang araw dahil siguro sa mga nangyari. Ngayon, ibabalik natin ‘yun.”

Sey naman ng gay comedian, “Okay na sa akin ‘yun. Kahit ‘di mo nga sa akin, okay na sa akin. Alam ko, at kilala kita, na hindi puwede mawala ang ‘Baby Shark’ (tawagan nila sa isa’t isa) natin.”

“Ngayon, kapag kailangan mo lang ng moment, kailangan mo lang ng alalay, kailangan mo ng advice, kailangan mo ng comfort, nandito lang ako,” sey pa ni Brenda.

“Humihingi ako ng sorry. Sana hindi pa huli ang lahat. Sana hayaan mo rin akong magawa ‘yung mga kailangan kong gawin,” sey pa ng comedian kay Eian na parehong nominado sa susunod na eviction night.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Pinoy Big Brother (@pbbabscbntv)

https://bandera.inquirer.net/299841/brenda-mage-kasama-sana-sa-darna-pero-pinili-ang-pbb-ako-si-valentina-pero-tinanggihan-ko-charot

Brenda Mage kay Alexa: Wala siyang silbi, ganda lang talaga…panay lamon pa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending