Alexa na-hurt sa pinagsasabi ni Brenda Mage: Para na pala akong pulutan sa Bahay ni Kuya Bandera

Alexa na-hurt sa pinagsasabi ni Brenda Mage: Para na pala akong pulutan sa Bahay ni Kuya

Ervin Santiago |January 01,2022
share this

Alexa na-hurt sa pinagsasabi ni Brenda Mage: Para na pala akong pulutan sa Bahay ni Kuya

Ervin Santiago January 01, 2022 - 08:09 AM

Brenda Mage at Alexa Ilacad

“I KNOW everything, the good, the bad, and the ugly!” 

Yan ang bahagi ng pahayag ng Kapamilya actress na si Alexa Ilacad patungkol sa mga kanegahang pinagsasabi sa kanya ng mga kapwa housemates sa “Pinoy Big Brother Season 10.”

Partikular na tinukoy ng dalaga ang umano’y pangtatraydor sa kanya ng komedyanteng si Brenda Mage na hindi niya inakala na magagawa nito sa kanya.

Dahil nakalabas na nga ng Bahay ni Kuya matapos ma-evict nitong nagdaang Dec. 26, napanood ni Alexa ang ilang episodes ng “PBB 10” sa pamamagitan mga video clips.

Aniya, ayaw na sana niyang panoorin ang mga ito pero kailangan daw niyang balikan ang mga kaganapan sa “PBB” house dahil sa trabaho.

Diretsong natanong ang dalaga sa isang Kumu Live, kung ano ang sasabihin niya kay Brenda Mage sakaling magkaharap sila uli sa outside world.

Alam naman ng lahat ng sumusubaybay sa “PBB 10” na matitindi ang pinakawalang pahayag ni Brenda Mage laban kay Alexa lalo na tungkol sa naging ugali nito sa loob ng Bahay ni Kuya.

“I’m not gonna lie and be hypocrite. And I will say na masakit. Ang sakit talaga. Wala akong kaaydi-idea na para na pala akong pulutan sa Bahay ni Kuya,” pag-amin ng aktres.

Nagpakatotoo rin si Alexa nang sabihing hindi niya agad malalapitan si Brenda na tinawag lamang niyang “that person.”

“So, if I were to approach that person siguro it would take time. I think, for the other side kesa sa akin, kasi mabilis akong magpatawad. And I don’t like holding grudges. I think life is too short for all of that.

“So, for me, if mag-apologize man siya o hindi, I will choose to be the bigger person, as always. And also, kung makita ko man siya, I’m a professional. I will be civil with that person.

“Respeto pa rin ang dapat manaig at kung siya wala siya nun, para sa akin that’s not my problem,” sabi pa niya.


Hugot pa ng dalaga, “Parang ang dami-dami kong nakikita. Ang dami kong naririnig, hindi kaaya-aya.

“But at the end of the day, at least, alam ko sa sarili ko, ako, wala akong inapakan na tao o sinabihan nang masama. So, makakatulog ako doon,” dagdag pa ng dalaga.

Samantala, nang matanong naman sa isa pang online interview, diretsahan din niyang sinagot ang tanong kung sino ang gusto niyang mapalabas ngayon sa “PBB” house.

Si Brenda ang isinagot niya, “Because I think na yung actions and yung words na nabitawan niya are not really Big Winner attitude. So, that’s just my opinion. Ang pagpapakatotoo puwedeng isabay sa pagpapakatao.”

Alexa Ilacad, KD Estrada goodbye na rin sa PBB 10; Madam Inutz, Brenda Mage pasok sa top 5

Ano ang pinakamahal na regalo na ibinigay ni Brenda sa kanyang dyowa?

Alexa feeling ‘big winner’ kahit napalayas na sa PBB: I have done nothing but show my true colors!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending